Babaeng na-Amnesia, araw-araw pinapakitaan ng wedding picture ng kanyang asawa.


Babaeng na-Amnesia, araw-araw pinapakitaan ng wedding picture ng kanyang asawa. Araw-araw pinapakitaan ng wedding picture ang isang babaeng na

Mapapa ‘sana-all’ kayo sa seaman na ito na proud ipinangalandakan sa mundo ang kanyang gorgeous plus size girlfriend.
Pinoy na bartender, naka-‘forever’ ang isang Finnish na dilag matapos niya ito hagisan ng ‘flying kiss’.
Dalagang nagbibigay saya kay Jimuel Pacquiao, isa pala sa mga bagong talent ng Star Magic!
Michelle Philpots

📷credit: Matthew Power/MASONS

Babaeng na-Amnesia, araw-araw pinapakitaan ng wedding picture ng kanyang asawa.

Araw-araw pinapakitaan ng wedding picture ang isang babaeng na amnesia. Tulad ng pelikula ni Adam Sandler na ‘50 first dates’, ay hindi naaalala ni Michelle Philpots ang mga nangyari matapos ang kanyang aksidente.

Anterograde amnesia ang tawag sa sakit ni Michelle, isang kondisyon kung saan hindi na nakakapagimbak ng bagong memorya ang kanyang utak. Kumbaga, lahat ng mga nangayari bago ang kanyang aksidente ay na-aalala niya ngunit lahat ng pangyayari matapos ito ay hindi na nito matatandaan. Araw-araw sa paggising niya sa umaga, taong 1994 pa lamang sa isip niya. Ayon kay Dr. Peter Nestor, napakadalang umano ng sakit na ito ngunit totoong mayroong ganitong kondisyon.

Michelle Philpots

📷credit: Matthew Power/MASONS

Ang katagang ‘love is patient’ ay madals nating marinig ngunit para kay Ian Philpots, ito ang mantra niya sa buhay. Bagamat araw-araw ay hindi nakaka-alala ng kanyang asawa ay matiyaga niya pa rin itong tinutulungan. Araw-araw rin niyang pinapakita ang kanilang wedding picture dito upang maipaalala dito ang kanilang araw ng kasal. Ito ay isa lamang sa mga paraan niya upang araw-araw ay mapaibig niyang muli ang kanyang asawa. Sa isang panayam sa kanya ng Daily Mail, aniya, “It can be very frustrating for me but I have to be patient and understand. I have to keep calm because I love her.”

Gumagamit din ng post-its si Michelle upang matulungan ang sarili na maka-alala ng mga gawain niya o kaya naman ay ng mga importanteng detalye na kailangan niyang maalala kinabukasan. Kinakailangan rin niyang isulat at irecord lahat ng mga ginawa niya para maalala niya sa mga susunod na araw. Kung kinakailangan naman niyang umalis ay sinisiguro niyang may dala siyang impormasyon tungkol sa sarili kasama ang kanyang address.

Isang malaking hamon ang kondisyon ni Michelle ngunit sinisiguro naman ni Ian na mas nananaig ang kanilang pag-iibigan upang malampasan ito. Araw-araw ay napapangiti niya ang asawa kahit gamitin niya ang joke na nasabi na niya. Para kay Michelle ay parang unang beses niya pa lamang ito narinig palagi.

COMMENTS