Tuloy ang kasal! Mag-fiance na Doktor, nag prenup sa hospital matapos sirain ng pandemya ang kanilang kasal.


Tuloy ang kasal! Mag-fiance na Doktor, nag prenup sa hospital matapos sirain ng pandemya ang kanilang kasal. Bagamat patuloy ang pagkalat ng na

Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.
Melissa Ricks ikinasal na sakanyang Fiance na si Michael Macatangatay
Magandang dilag nahanap ang kanyang ‘the one’ sa lalakeng may dwarfism.
Doctor Couple

📷credit: Kane Andrion via Hearts & Clay

Tuloy ang kasal! Mag-fiance na Doktor, nag prenup sa hospital matapos sirain ng pandemya ang kanilang kasal.

Bagamat patuloy ang pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19, ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalawang doktor na ito at itinuloy ang kanilang plano sa pagpapakasal.

Si Dr. Lennon Vasquez ay 32-year old na doktor na isang internal medicine specialist. Nakilala niya ang kanyang 33-year old fiancé, na si Dra. Jonah Nival na isang obstetrics and gynecology specialist sa hospital na kanilang pinagta-trabahuan. Pareho silang residents-in-training sa Metropolitan Medical Center sa Maynila. Dito na rin lalong nadevelop ang kanilang pagiibigan, hanggang sa nauwi sa kasalan. Subalit hindi nila lubos akalain na mahahadlangan pala ng pandemya ang kanilang kasal.

Doctor Couple

📷credit: Kane Andrion via Hearts & Clay

Dumaan sa matinding pagsubok ang magkasintahan matapos madiagnose na may COVID-19 si Dr. Vasquez. Dumaaan pa ito sa malalang yugto ng karamdaman pero napagtagumpayan niya ito at gumaling. Dito na nila napagdesisyunan na ituloy ang kasal sa gitna ng pandemya. Aniya, “Don’t let this pandemic stop you from getting married, “Whether you are rich or poor, in our present setup and these trying times, this is where we think love is really tested. Will you still say yes?”

Doctor Couple

📷credit: Kane Andrion via Hearts & Clay

Bilang paghahanda sa sa kanilang nalalapit na kasal ay nagsagawa sila na sila ng prenup photoshoot. Karamihan sa atin ay sa dagat o photo studio ito ginagawa, ibahin natin ang dalawang doktor na ito. Bagamat may pandemya, ay sa hospital nila isinagawa ang kanilang photoshoot. Maraming netizens ang nagulat ngunit siniguro naman ng magkasintahan na ligtas ang isinagawang prenup photoshoot.

Sa isang panayam ng GMA News Online, sinabi ni Vasquez, “We would like to send a message that as frontliners, there is still hope after all and a time to love. Sooner or later this pandemic will someday end.”Ayon sa kanlang photographer na si Kane Andrion, wala naman siyang pagaalinlangan nang kuhanan niya ng litrato ang dalawa sa hospital dahil lubos naman silang nag-ingat at COVID-19 free ang hospital. Sa panayam ng GMA News Online, ipinahayag ni Adrion na ang pagpo-photoshoot nila sa hospital ay “a way of doing our part in honoring our brave frontliners.”

Doctor Couple

📷credit: Kane Andrion via Hearts & Clay

Upang mapanatili ang kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay ay tanging ang kanilang pamilya at mga piling kaibigan lamang ang dadalo sa kanilang pagiisang dibdib. Sinisiguro din ng dalawa na kasama ang mga safety measures na dapat ipatupad sa araw ng kanilang kasal. Bagamat may pandemya, ay hindi nila hahayaang maging hadlang ito sa kanilang ‘happily ever after’.

📷credit: Kane Andrion via Hearts & Clay

Photo: Hearts & Clay

📷credit: Kane Andrion via Hearts & Clay

COMMENTS