Yayamanin! Bouquet na gawa sa P72k na pera pati na rin ang chocolate bouquet na kasama nito, nagtrending!


Yayamanin! Bouquet na gawa sa P72k na pera pati na rin ang chocolate bouquet na kasama nito, nagtrending! Tunay na nakaka-antig ng puso ang mak

Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.
Nino Muhlach, may kapatid na ubod ng ganda at mas piniling maging Engineer kaysa pumasok sa showbiz.
Dating child star na si Agatha Tapan na kilala bilang ‘Trudis liit’, ito na pala ang buhay niya ngayon.

📷credit: BFC Flowers and Gift

Yayamanin! Bouquet na gawa sa P72k na pera pati na rin ang chocolate bouquet na kasama nito, nagtrending!

Tunay na nakaka-antig ng puso ang makatanggap o makapagbigay ng bulaklak sa minamahal natin. Isa lamang ito sa mga gestures na direktang maipapakita ang ating nararamdaman para sa taong malapit sa puso natin.

Kaya naman hindi na mahirap isipin kung ano na lamang ang pakiramdam kung ikaw ay makatanggap ng flower bouquet na may P72k na perang kasama. Ang kahanga-hanga pa rito ay nakadisplay pa ang perang papel na tig isang libo sa bouquet.

BFC Flowers and Gift ang flower shop na nagbahagi ng mga letrato ng nakakabilib na boquet na ito. Marami ang nagandahan sa kakaibang bouquet lalo na din nang sinamahan pa ng chocolate bouquet na tila mamahaling chocolates pa ang ginamit. Hindi kase karaniwan ang ganitong klaseng bouquet kaya naman ay mabilis na nagviral ang letrato sa social media.

📷credit: BFC Flowers and Gift

Ang mga bouquet ay nagmula sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) at ipinadala sa kanyang ina na si Simeona Baccate. Kasalukuyang nasa Gen. Natividad, Nueva Ecija ang mga magulang ni Ms. Lorenjane – ang OFW na anak ni Gng. Simeona. Sa Japan nagtatrabaho si Ms. Lorenjane at tila isang mapagmahal na anak kung pagbabasehan ang napaka thoughtful na regalo nito sa kanyang ina.

📷credit: BFC Flowers and Gift

Ang kanyang ina ay 72 years old na, kaya naman ay P72k ang halaga na nakalagay sa flower bouquet. Maliban sa malaking bouquet ay umordin rin ito ng chocolate bouquet, flower bouquet, fruit basket, cakes, chocolate box, teddy bear at Anlene milk.

Makikita na may letrato ang ginang sa bawat item na inorder ni Ms. Lorenjane. Kitang-kita sa ginang na tuwang tuwa ito sa sopresa na binigay ng kanyang anak. Maganda na nai-ispoil niya ang kanyang magulang kahit na napkalayo niya sa piling ng mga ito. Kaya naman para sa lahat ng kabataan ay gawin natin ang lahat upang magbigay ng saya sa ating mga magulang habang narito pa sila sa mundo.

📷credit: BFC Flowers and Gift

COMMENTS