Highschool sweethearts, nagkahiwalay ngunit matapos ang tatlong dekada ay pinagtagpo muli. Meant-to-be kaya?


Highschool sweethearts, nagkahiwalay ngunit matapos ang tatlong dekada ay pinagtagpo muli. Meant-to-be kaya? May mga nakaraan na gusto nating b

Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay.
Pinoy na bartender, naka-‘forever’ ang isang Finnish na dilag matapos niya ito hagisan ng ‘flying kiss’.
Derek Ramsey, nararamdaman na si Ellen Adarna na ang kanyang “the one”.
Ami and Stephen Kardos: High school sweethearts reunited after three decades

Ami and Stephen Kardos.📷credit: John Wesley Photography

Highschool sweethearts, nagkahiwalay ngunit matapos ang tatlong dekada ay pinagtagpo muli. Meant-to-be kaya?

May mga nakaraan na gusto nating balikan at baguhin ang nangyari. Subalit, sadyang walang ‘rewind’ sa buhay at kinakailangan nating tumingin sa hinaharap at matuto na lamang sa pagkakamali.

Sikat na highschool sweethearts sina Ami at Stephen Kardos sa kanilang eskwelahan, taong 1980. Nagkakilala nang napilitang magshare ng locker room sa kanilang art class. Unang lumapit si Ami kay Stephen at tinanong ito kung maaari ba siyang maki-share ng locker. Aniya ng dalaga, “My name is Ami. Can I use your locker? You can keep your helmet in the art room”. Nagkapalagayan ng loob ang dalawa hanggang nauwi na nga sa pag-iibigan.

Pareho nilang first love ang isa’t isa kaya naman napaksweet nilang magkasintahan. Hatid-sundo ni Stephen si Ami sa paaralan, ngunit maagang namatay ang Ama nito. Matindi ang pangungulila ng ina ni Stephen sa yumaong asawa, na naging dahilan kaya kinailangan nito mag part-time job pagkatapos ng klase. Dito na nga nagsimula na mawalan ng oras si Stephen kay Ami, at sa kasamang palad, hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Dumaan ang taon ay nagkaroon na sari-sariling buhay ang dalawa. Maagang nakapag-asawa si Ami ngunit nagdivorce rin sila noong 30 years old ito. Nakapagasawa muli ngunit naghiwalay rin. Nagkaroon ito ng dalawang anak mula sa pangalawang asawa.

Si Stephen naman ay naging sundalo muna bago nagpatuloy sa kolehiyo. Ikinasal siya matapos grumaduate at biniyayaan ng isang anak. Matapos ang 20 taon na pagsasama ay naghiwalay rin sila ng asawa nito.

May Second Chance Nga Ba?

Ngunit tila naging mapaglaro ang tadhana nang pagtagpuin muli ang dalawa, matapos ang 30 taon simula nang maghiwalay sila. Nagkausap ulit sila sa email nang malaman ni Stephen na namatay na pala ang dating kaibigan nito, na siya namang brother-in-law ni Ami. Nagpatuloy ang komunikasyon nila hanggang sa nagpagdesisyunan nilang magkita ng personal. Sa mga panahong iyon ay nasa 50’s na ang dalawa.

Kabado si Ami ng mga sandaling iyon, at panandaliang inisip na huwag ituloy makipagkita kay Stephen. Sa bandang huli ay itinuloy niya ay pagpunta sa lugar na pagkikitaan nila, at doon ay nakita niya muli ang kanyang first love.

Sa pagkikita nila ay parang naramdaman ulit ni Ami ang dating tinatago na damdamin. Napagusapan nila ang mga pagkakamaling nagawa nila noon at nabigyan ng closure ang isa’t isa. Katulad ng kasabihang sa “bawat pintong nagsasara ay may bintanang nagbubukas”, ay nagawa nilang bigyan pa ng pangalawang pagkakaton ang isa’t isa na magmahal muli. Ikinasal sila noong 2015 at magkasamang hinaharap ang bawat pagsubok sa buhay nang magkahawak-kamay.

 

COMMENTS