Idinrowing, pinagtagpo at tinadhana? Isang babae nagkatotoo ang drawing na kanyang ‘Dream Boy’ noong elementary siya.


Idinrowing, pinagtagpo at tinadhana? Isang babae nagkatotoo ang drawing na kanyang ‘Dream Boy’ noong elementary siya. Marami sa atin ang minsan

Kilig! Ruru Madrid’s “My-hal” comment on Bianca’s IG heats up the cold air this love month.
Halik na nagsimula 20 years ago, tanda pala na itinadhana sila sa isa’t isa.
AGE IS JUST A NUMBER: Mga sikat na mag-asawang artista na nagmamahalan sa kabila ng kanilang malaking age gap.
dreamboy drawing and real life dream boy.

📷credit: Ariadne Daluz Facebook

Idinrowing, pinagtagpo at tinadhana? Isang babae nagkatotoo ang drawing na kanyang ‘Dream Boy’ noong elementary siya.

Marami sa atin ang minsan nang nangarap na makilala ang taong magpapatibok ng kanilang puso at makakasama habang buhay. Kaya naman naisipan ng dalawang magkaibigan na iguhit ang kanilang ‘dream boy’ sa isang papel. Swerte na lamang at hindi stick-figure ang naidrowing ni Ariadne Daluz, dahil ang ginuhit pala niya noon na kanyang ideal man ay magkakatotoo pala ngayon.

dream boy drawing

📷credit: Ariadne Daluz Facebook

Ang pagguhit nila sa kanilang dream guy ay kailangan mula lamang sa imahinasyon at hindi sa taong nakita na nila. Kasama ang kanyang bestfriend na si Unis ay iginuhit na nga nila ang gusto nilang mapangasawa. Grade 6 pa lamang sila ng mga panahong iyon, taong 2005-2006.

Nagkahiwalay ang magkaibigan matapos nilang grumaduate ng elementarya. Hindi naman nakalimot si Ariadne at inimbita si Unis sa araw ng kanyang debut. Doon ay muling nagkita ang magkaibigan at nakilala ni Ariadne si Larnille Chua Daluz.  Maliban sa pagkatuwa ni Unis na makita ang kaibigan ay may rebelasyon pa itong natuklasan. Napansin nito na ang lalakeng di hamak na dumalo ng debut ng kanyang kaibigan upang tumugtog ay hawig na hawig sa letratong iginuhit ni Ariadne noong Grade 6 sila. Upang patunayan ay hinanap pa niya ulit ang kanilang iginuhit at ipinakita sa kaibigan. Laking gulat naman ni Ariadne nang makita nga ang pagkakatulad ni Larnille at ng drawing niya na nagmula lamang sa imahinasyon.

dream boy similar

📷credit: Ariadne Daluz Facebook

Tadhana nga ba? Kung titignan ay parang ginuhit ang letrato matapos makita si Larnille. Subalit, ayon sa dalaga ay nakilala niya si Larnille noong 2011 at ang larawan ay ginuhit niya noong 2005-2006.

Nagkakilala ang dalawa hanggang sa naging magkasintahan at nauwi sa kasalan. Mabilis naman nagviral sa social media ang kwento ni Ariadne dahil malaki ang pagkakahawig ng drawing ni Ariadne sa lalaking pinakasalan niya. Marami pa ang nagbiro na iguguhit na rin nila ang kanilang dream guy para makilala na rin nila matapos ang limang taon.

ariadne and larnille daluz

Ariadne and Larnille Daluz. 📷credit: Ariadne Daluz Facebook

COMMENTS