Isang buwan nagpropose ang isang lalaki sa minamahal nito nang pasikreto!


Isang buwan nagpropose ang isang lalaki sa minamahal nito nang pasikreto! May mga pagkakataon sa buhay natin na sigurado tayong gawin ngunit hi

Dalagang nagbibigay saya kay Jimuel Pacquiao, isa pala sa mga bagong talent ng Star Magic!
Kilig Story sa Tinder: British, lumipad pa-Malaysia para pakasalan ang babaeng nakilala sa ‘Dating App’.
Catriona Gray, nagshare ng video ng Valentine’s date sa Batangas kasama ang nobyong si Sam Milby.

📷credit: Edi Okoro Facebook

Isang buwan nagpropose ang isang lalaki sa minamahal nito nang pasikreto!

May mga pagkakataon sa buhay natin na sigurado tayong gawin ngunit hindi tayo makakuha ng tamang timing. Ito ang kinakaharap ni Edi Okoro, nang maramdaman nitong handa na siyang makasama ang girlfriend nang pang habang-buhay. Subalit, hindi niya alam kung kalian ang tamang panahon upang magpropose rito!

Sa napakaraming pamamaraan na lumabas sa social media tungkol sa pagpo-propose – tulad ng Mob Dance Proposal, ay nakapgdudulot pa ito minsan ng pagkababa ng kumpyansa ng isang lalaki. Kailangan din ibagay sa tamang sandali ang ganitong importanteng okasyon sa magsing-irog. Ngunit napatunayan ni Edi na hindi kailangang engrande ang pagpo-propose. Kailangan lang ng sinseridad at madiskarteng pamamaraan.

Kasalukuyang nasa Herefordshire, UK, ang dalawa, at nasa punto kung saan ay handa na si Edi tahakin ang next level ang kanilang relasyon. Kaya naman ay bumili na ito ng engagement ring na siyang ibibigay nito kay Cally. Makalipas ng ilang buwan ay hindi pa rin alam ni Edi papaano ito magpopropose, naisipan na lamang niya kuhanan ng litrato ang singsing at si Cally ngunit sa mga panahon na hindi nakakahalata ang dalaga. Ayon rito ay kukuha siya ng napakaraming litrato hanggang sa mapansin raw ito ng kasintahan at doon lamang matutuloy ang plano niyang pagpo-propose.

📷credit: Edi Okoro Facebook

📷credit: Edi Okoro Facebook

📷credit: Edi Okoro Facebook

📷credit: Edi Okoro Facebook

📷credit: Edi Okoro Facebook

📷credit: Edi Okoro Facebook

Maraming netizens ang natuwa sa mga photos na kinuha ni Edi lalo na’t nakakaaliw ang iba rito.

Sa dulo ng post nito ay makikita na suot suot na ni Cally ang engagement ring nito at masayang masaya silang dalawa. Hindi man ikinuwento ni Edi kung papaano siya nagpropose kay Cally, ngunit nilinaw naman nito na hindi nakahalata ang dalaga sa mga litrato na kinuha ni Edi kasama ang singsing.

📷credit: Edi Okoro Facebook

Ipinakita ng post ni Edi ang nararamdamang kaba ng mga lalaki tuwing darating ang panahon na handa na ang mga ito mag-propose. Marami rin naman sa mga netizens ang nagbigay ng bati para sa kanilang dalawa.

COMMENTS