Magkasintahan na nagphotoshoot suot ang kanilang lumang uniporme para sa kanilang 10th year Anniversay!


Magkasintahan na nagphotoshoot suot ang kanilang lumang uniporme para sa kanilang 10th year Anniversay! Tinupad ng magkasintahang mula Malaysia

Kilig Story sa Tinder: British, lumipad pa-Malaysia para pakasalan ang babaeng nakilala sa ‘Dating App’.
Babaeng sumubok sa Sandok Pera Challenge, singsing ang nakuha!
Highschool sweethearts, nagkahiwalay ngunit matapos ang tatlong dekada ay pinagtagpo muli. Meant-to-be kaya?

Joseph Yong and Sinyee recreates their old high school photo. 📷credit: Joseph Yong Instagram

Magkasintahan na nagphotoshoot suot ang kanilang lumang uniporme para sa kanilang 10th year Anniversay!

Tinupad ng magkasintahang mula Malaysia na si Joseph Yong at Sinyee ang kanilang pangako sa isa’t isa na susuotin muli ang uniporme sa pagdating ng kanilang ika-10 taon na anibersaryo.

Bagamat bata pa nang mahulog ang loob sa isa’t isa, ay likas lamang na mag-alala ang mga magulang nila sa relasyon nila. Masyado pa sila umanong bata para pumasok sa relasyon, at naroon rin ang pangamba na baka mabuntis ng maaga ang dalaga at matigil ang pagaaral nito. Hindi rin nakatulong ang reputasyon ni Joseph bilang playboy noon.

Nakatanggap din ang dalawa ng mga paratang mula sa mga kaibigan na hindi raw magtatagal ang kanilang relasyon dahil ‘puppy love’ lamang ito at makakakilala pa sila ng iba.

Sa kabila ng mga pasaring na nagsilbing pagsubok sa relasyon nila, ay sinikap ng dalawa na patunayan na mabuti ang hangarin nila sa isa’t isa. Kaya naman napagisipan ng dalawa na sa magiging ika-sampung anibersaryo nila ay susuotin nila muli ang kanilang lumang uniporme upang ipakita na matibay at tunay ang pagiibigan nila.

Joseph and Sinyee wearing their old high school uniform.📷credit: Joseph Yong Instagram

Matapos ang isang dekada ay nagmini-photoshoot nga ang dalawa suot ang lumang uniporme. Successful na sila ngayon at proud na proud ang kanilang mga pamilya sa narating ng dalawa. Tila naging inspirasyon din sila ng mga kabataan ngayon na humaharap sa kaparehong sitwasyon.

Kahit na puno ng pagsubok ang kanilang pinagdaanan ay naipaglaban nila ang kanilang relasyon. Aniya sa post ni Joseph, “There is no definite answer as to whether you can fall in love in highschool, it’s all fate. If you choose to believe in a man, you must not give up!”

📷credit: Joseph Yong Instagram

Kitang-kita ang mga nakakakilig nilang tinginan sa litrato na ibinahagi ni Joseph sa kanyang social media. Tinuturing ni Joseph na tadhana ang pagkakakilala niya kay Sinyee noong highschool pa lamang sila. Sa isang dekada na lumipas ay lalo lamang nila napatunayan sa lahat at pati na rin sa kanilang sarili na wala nang tatalo sa tunay na pagibig.

COMMENTS