Magasawang nasa 90’s ang edad, ibinahagi ang sikreto sa masayang pagsasama at pagmamahalan.


Magasawang nasa 90’s ang edad, ibinahagi ang sikreto sa masayang pagsasama at pagmamahalan. Bagamat ang mundo ngayon ay technologically advance

Halik na nagsimula 20 years ago, tanda pala na itinadhana sila sa isa’t isa.
Kilig! Courier rider falls in love with a customer, finally gets a happily ever after.ł
Derek Ramsey, nararamdaman na si Ellen Adarna na ang kanyang “the one”.

📷credit: @butnaturalphotography Instagram

Magasawang nasa 90’s ang edad, ibinahagi ang sikreto sa masayang pagsasama at pagmamahalan.

Bagamat ang mundo ngayon ay technologically advance na minsan na’y nagamit sa paghahanap ng kasintahan ay hindi pa rin ito makapagbibigay ng garantiya ng tunay na pagibig. Sa halip ay nagbubukas lamang ito ng pinto upang mahanap natin ang ‘the one’ na mamahalin natin. Ngunit sapat nga ba ang makilala lamang natin ito?

Katulad ng lahat ng bagay sa mundo, ay kailangan natin pagsikapin na maging masaya ang relasyon natin sa minamahal natin. Hindi sapat na batayan na mahal naman tayo nito upang maging pabaya sa pagpapakita ng damdamin natin. Ito na lamang din ang payo na ibinigay ng matandang magasawa na 72 years nang nagsasama.

Mula sa ibinahagi ng photographer at visual storyteller na @butnaturalphotography, ay ang kwento ng wagas na pagibig ng dalawang matandang magasawa. Sa Wales ay nakilala nila si Mel at Vera at napagpasyahan bigyan ang mga ito ng litratong magpapakita ng kanilang pagmamahalan.

📷credit: @butnaturalphotography Instagram

68 taong nang magasawa si Mel at Vera ngunit 72 taon na silang nagmamahalan. Nakilala umano ni Vera si Mel noong 18 taon gulang pa lamang siya. Kagagaling laman ni Mel sa gera noong World War II bilang isang Royal Engineer at nagkita silang dalawa sa hospital. Ayon kay Vera ay, “I wanted him to be mine the moment I saw him and I got him.” Doon ay nagkausap ang dalawa hanggang sa nagkapalagayan ang loob at ‘the rest is history’ ika nga

📷credit: @butnaturalphotography Instagram

Tila na-inspire ang photographer at hindi napigilang itanong kung ano ang sikreto sa metatag at masayang pagsasama. Sinagot naman nila ito nang, “You’ve got to stick at it, Stand by each other always”.

📷credit: @butnaturalphotography Instagram

“Take the rough with the smooth, as long as you’ve got one another, you can take on anything,” dagdag pa ni Mel.

📷credit: @butnaturalphotography Instagram

Para sa kanila ay isang napakalaking biyaya umano, ang masandalan ang isa’t isa sa oras ng kalungkutan.

📷credit: @butnaturalphotography Instagram

Hindi nagtagal, ay nagviral ang mga litrato ng magasawa sa Instagram. Makikita sa bawat larawan ang tunay na pagmamahalan ng dalawa. Sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng mga ito ay hindi natinag ang pagmamahalan nila.

📷credit: @butnaturalphotography Instagram

COMMENTS