Magkaibigan lang noon, nagkaibigan sa gitna ng lockdown. Likas na talaga sa ating mga Pinoy ang madiskarte sa buhay at kahit anu pang problema

đ·credit: Jex Villar Facebook
Magkaibigan lang noon, nagkaibigan sa gitna ng lockdown.
Likas na talaga sa ating mga Pinoy ang madiskarte sa buhay at kahit anu pang problema ang dumating kayang kaya nating itong lampasan. Dahil sa pandemya, madami sa ating ang nawalan ng trabaho, iyong iba nasa bahay lang at walang ginagawa, ngunit sadyang madiskarte talaga ang mga Pinoy dahil gagawa at gagawa sila ng paraan para kumita at libangin ang sarili nila. Madami sa atin ang sumunod sa ibat-ibang pauso sa social media, madami ang naging online seller, mayroon din nagtiktok, nagtanim ng mga halaman at kung anu anu pa.
Ngunit, hindi lang pala pagsosocial media o pagsunod sa uso ang dulot ng pandemya, dahil may iba sa atin na dito nakita o nakilala ang taong iibigin nila at sasabihan ng mga katagang âMahal kitaâ.
Taong 2008 nang magkakilala sila Zaldy Faller at Jex Villar ng sila ay maging magkatrabaho sa isang kompanya. Ayon kay Jex, âWe worked for the same company and crush ko na siya,â. Ngunit hindi naman sila pareho ng nararamdaman ni Zaldy dahil kaibigan lang talaga ang turing nya kay Jex at nagkaroon din sila ng kanya kanyang karelasyon ng mga panahong iyon.
Taong 2018 nang muling nagkausap si Zaldy at Jex ng operahan sa thyroid cancer si Jex at Marso ng nakaraang taon ay magkasama silang namasyal sa Baguio kung saan ditto na din sila inabutan ng lockdown. Dahil sa lockdown ay nagkaroon ng oras ang dalawa para makapag-catch up, ngunit hindi nila inaasahan na dito pala mag-uumpisa ang kanilang pag-iibigan at kalaunay naging magkarelasyon.
Ayon kay Jex, âInabutan kami ng quarantine doon sa Baguio. Mahigit isang buwan kaming nandoonâ. Dagdag pa ni Jex na, âSobrang saya kasi kasama ko âyong napakatagal ko nang crushâ. âAt least, na-amin namin âyong feelings naming sa isaât isaâ.
Hunyo ng nakaraang taon ay naitampok sa âASAP Natin toâ ang kwento ng pag-iibigan nila Jex at Zaldy kung saan hinandugan sila ni Piolo Pascual ng isang kanta mula sa American band na OneRepublic na may pamagat na â Something I Needâ.
Pag-ibig nga naman, hindi mo alam kung kelan kaba tatamaan nito o kaya hindi mo alam kung kelan dadating yung tamang tao para sayo. Kaya sa mga single jan baka nasa tabi tabi lang o baka kaibigan mo lang pala yung mr. right o ms. Right mo hindi mo lang napapansin. Lingon lingon din kasi besh!
COMMENTS