Epic Fail ang sorpresa ng magjowang LDR sa isa’t isa, at nagviral dahil sa nakakatawang resulta nito.


Epic Fail ang sorpresa ng magjowang LDR sa isa’t isa, at nagviral dahil sa nakakatawang resulta nito. Pag dating sa tunay na buhay, hindi madal

Magkasintahan na nagphotoshoot suot ang kanilang lumang uniporme para sa kanilang 10th year Anniversay!
Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.
Riva Quenery, kuha ang mga nakakatawang reaksyon ng mga kaibigan sa kanyang pregnancy announcement.
 He flew to Paris to surprise his girlfriend.  She flew to Edinburgh to surprise him

📷credit: Salma Saade

Epic Fail ang sorpresa ng magjowang LDR sa isa’t isa, at nagviral dahil sa nakakatawang resulta nito.

Pag dating sa tunay na buhay, hindi madalas nasusunod ang mga plano natin di tulad ng mga napapanood sa pelikula. Madalas natin mapanood na gumagawa ng grad gestures ang mga bida para sa minamahal nila. Kung sa palabas ay nahahabol pa ng leading man ang girlfriend nitong paalis ng bansa sa airport, sa tunay na buhay ay naipit ka na ng tatlong oras sa traffic. Ito na marahil ang mga maliliit na senyas na walang rewind sa buhay kaya ay dapat na sulitin ang bawat pagkakataon.

Mayroon namang magkasintahan ang nagviral sa Twitter matapos nilang malaman ang resulta ng sorpresang ginawa ng bawat isa. Parang hinugot sa isang romantic comedy ang nangyari sa kanila.

📷credit: @salmasaade

Nitong nakaraang buwan ay naalala ni Salma Saade ang pangyayari apat na taon na ang nakaraan na naging dahilan kung bakit hindi na gumagawa ng sorpresa ito at ang nobyo nito sa isa’t isa. Kahit ang mga netizens ay hindi makapaniwala sa nakakatawang resulta ng ginawa nilang magkasintahan noon.

Apat na taon nang nakalipas nang mapagpasyahan ni Salma sopresahin ang kanyang nobyo. Matuturing na grand gesture ito dahil hindi pang araw-araw na magagawa niya ito sa kanyang nobyo. Nasa long distance relationship ang dalawa, si Salma ay nasa Paris at ang nobyo nitong si Finley ay nasa Edinburgh, Scotland.

Upang makasama ito ay lumipad si Salma papuntang Edinburgh para sorpresahin ang nobyo. Ang hindi nito alam ay may sorpresa din si Finley para sa kanya na kahawig na kahawig ng ginawa niya. Maaga dumating si Salma at nagpasyang tanungin ang kaibigan kung nasa bahay ba si Finley.

 He flew to Paris to surprise his girlfriend.  She flew to Edinburgh to surprise him

Sa kasamaang palad, hindi lamang sa wala ito sa bahay ay nalaman ni Salma na nasa Paris pala ito, eksaktong eksakto sa araw na nagpunta siya.

Nagkataon na pareho ang plano nilang sorpresa at sa parehong araw rin. Kaya naman ang resulta ay nasa magkabilang bansa pa rin ang dalawa.

Sa halip na romantic gesture ay naging mala romantic comedy ang nangyari sa dalawa. Umani ng higit pa sa 680k like at 85k retweets ang tweet ni Finley. Kaya naman simula noon, ay hindi na binalak pa muli ng magkasintahan na sorpresahin ang isa’t isa.

 

COMMENTS