Lalaking binigyan ng pekeng cellphone number, artista na pala ang ka-text at nakadate pa niya ito!


Lalaking binigyan ng pekeng cellphone number, artista na pala ang ka-text at nakadate pa niya ito! Minsan sa buhay ay makakaranas tayo ng tadha

Filipino man who frequently gets rejected, found love in a beautiful Lithuanian girl
Catriona Gray, nagshare ng video ng Valentine’s date sa Batangas kasama ang nobyong si Sam Milby.
Isang buwan nagpropose ang isang lalaki sa minamahal nito nang pasikreto!

📷credit: CodieHiger

Lalaking binigyan ng pekeng cellphone number, artista na pala ang ka-text at nakadate pa niya ito!

Minsan sa buhay ay makakaranas tayo ng tadhana. Para bang may naglagay sayo sa eksatong oras at sa tamang sandali. Madalang mangyari ito sa buhay natin pero ito ang mag sandali na hinding-hindi natin makakalimutan. Maging mapait man na alaala o kaya naman ay ang sandali na makilala natin ang espesyal na taong maaaring magpatibok ng puso natin.

Isang lalakeng nagngangalang Mike, ang umaasang magkakamabutihan sila ni Leah. Kaya naman matapos nilang magusap ay kinuha niya ang cellphone number nito. Dali-dali namang nilagay ni Mike ang numero sa cellphone para naman ay makausap niya itong muli.

Dumating ang panahon na naglakas loob itong magpadala ng mensahe sa dalaga. Sinamahan pa niya ito ng litrato ng lemon Bundt cake na niluto niya.

Pero hindi inaasahan ng 30-year old na si Mike ang mga sumunod na pangyayari. Peke pala ang cellphone number na ibinigay ni Leah. Sa kabilang banda, ay nagreply ang may-ari ng numero. Napag-alaman ni Mike na isang artista pala ang kausap niya.

Dito niya nakilala si Codie Higer, isang 26-year old na singer-actress sa New York. Nagkausap silang dalawa hanggang sa napagdesisyunan nilang mag facetime-date. Quarantine pa noong panahon na nagkakilala sila kaya ay mas mainam ang facetime-date.

📷credit: CodieHiger

📷credit: CodieHiger

Ibinahagi naman ni Codie sa kanyang Twitter ang mga kaganapan sa kanilang dalawa. Pakiramdam ng dalaga ay napaka-random ng nangyari ngunit gusto na laman nito ito enjoyin. Sa katunayan, ay inamin nito sa Twitter na nakita na niya si Mike sa litrato at tipo raw niya ito.

📷credit: CodieHiger

📷credit: CodieHiger

📷credit: CodieHiger

Madalas pang magupdate si Codie ng mga pangayayari sa kanilang virtual date. Napagtanto rin na nasa Cleaveland rin ang dalaga dahil doon raw nakatira ang ina nito. Tadhanda nga kaya?

📷credit: CodieHiger

📷credit: CodieHiger

📷credit: CodieHiger

Sa interview ni Codie sa Elite Daily, nagkamabutihan silang dalawa umano, nagtatawanan at open naman sa posibilidad si Codie na mauwi sa pagibig ang relasyon nila ni Mike. Marami naman ang netizen na kinilig at pakiramdam na tinadhana ang pagkabigay ni Leah ng fake na cellphone number nito.

📷credit: CodieHiger

📷credit: @lillolaa_

📷credit: @noahfromson

📷credit: @thirdcoastgyal

 

COMMENTS