Ala-paperdoll ang asawa ng misis na ito, matapos gamitin itong ‘mannequin’ para sa panindang damit online.


Ala-paperdoll ang asawa ng misis na ito, matapos gamitin itong ‘mannequin’ para sa panindang damit online. Likas na madiskarte ang mga Pinay la

Isang bride ang naiyak dahil sa naging simple nilang kasal, ang hinangaan at kinaantigan naman ng mga netizens!
Batang babae, viral sa socmed dahil sa pagdodonate nito ng gulay sa community pantry matapos nito makatanngap ng biscuit.
Victory! Larong Mobile legends, naging daan sa pagiibigan ng dalawang players na ito.

Ala-paperdoll ang asawa ng misis na ito, matapos gamitin itong ‘mannequin’ para sa panindang damit online.

Likas na madiskarte ang mga Pinay lalo na kung para sa pangangailangan ng pamilya. Kaya natural lamang na humanap ito ng paraan upang kumita. Ngayon namang panahon ng pandemya, ay patok na patok ang online selling. Bagamat, isa ang fashion industry sa mga naapektuhan ng matindi nitong pandemya ay tuloy pa rin naman ang pagtangkilik ng mga mamimili sa mga online shop. Kaya naman ay iba iba ang diskarteng ginagawa ng mga seller upang bumenta ang mga paninda.

Sa kabilang banda, kung wala pang sapat na kagamitan upang i-showcase ang paninda ay kailangan talaga haluan ng diskarte. Kung usapang diskarte lang naman ay panalo na ang isang misis na ginawang model ng panindang damit ang asawa nitong natutulog.

Parang paperdoll, na pinatungan ng damit ang mister na natutulog. Maayos na maayos pa ang pagkakapatong rito at sa unang tingin, ay di mo aakalain na nakapatong lamang ang mga damit. Pa-ibaiba ang posisyon nito sa pagtulog, ay gayundin ang pagiba iba ng mga damit.

Ipinost ni Jocelyn May Jazareno Caday, may-ari ng Jo’s Online Shoppe, ang mga litrato ng tulog na asawa at nakapatong ang iba’t-ibang uri ng damit pambabae. Bestida, palda, o pantalon, lahat ng paninda nito ay nai-model ng tulog nitong asawa.

Ayon sa caption nito, “No mannequin? No problem, Effort is the key mga Sis.” Bagamat Pinay ang may-ari ay Thai ang mga nakasulat sa bawat litrato.

Umani ng 10k reactions, 5.5k comments at 20k shares and post ni Jocelyn. Maraming netizens rin ang pumuri sa asawa nito dahil di hamak na maganda ang kutis nito at kayang-kaya imodel ang mga damit pambabae. Tila umano walang ka effort-effort na modeling ngunit bentang benta ang ganda ng damit.

Walang kaduda-duda na na-achieve rin nito ang publicity na kinakailangan ng shop nito. Kung titignan ay nadaan talaga ni misis sa creativity at diskarte ang pagshowcase ng mga paninda nito.

📷all image credits to Jo’s Online Shoppe

COMMENTS