Pagmamahalan ng isang Engineer at Tricycle Driver tiyak na aantig sa inyong mga puso


Pagmamahalan ng isang Engineer at Tricycle Driver tiyak na aantig sa inyong mga puso “Love is Blind” ang katagang halos alam ng lah

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, had their Valentine’s dinner cooked by three little chefs!
Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.
Ang Hapon na umibig sa isang babaeng badjao, kinasal at pina-kilig ang mundo.

📷credit: Mary Rose Vargas

Pagmamahalan ng isang Engineer at Tricycle Driver tiyak na aantig sa inyong mga puso
“Love is Blind” ang katagang halos alam ng lahat sa atin, dahil narin sa madami sa atin ang nagmamahal na hindi tumitingin sa panlabas na itsura ng isang tao kundi sa pag-uugali at diskarte nito sa buhay. Sabi nga ng iba, hindi lahat ng gwapo o nakapagtapos ng pag-aaral ay mamahalin ka ng totoo, yung iba hindi naman edukado pero kayang ibigay ang buong mundo para sayo.
Isa na ngang halimbawa dito ang pag-iibigan nila Mary Rose na isang Engineer at ang kasintahan nito na si Jr na isa namang tricycle driver. Nagtrending naman sa social media lalong lalo na sa facebook ang kwento nila Mary Rose at Jr dahil ibinahagi nila dito ang kwento ng kanilang pag-iibigan. Marami ang naantig at humanga sa pag-iibigan ng dalawa dahil nadin sa layo ng antas ng kanilang propesyon pero hindi un naging hadlang para sila ay magmahalan.
Ayon kay Mary Rose, hindi man daw ideal ang kwento ng kanilang pagmamahalan dahil nga siya ay isang Engineer at si Jr naman ay isang tricycle driver pero ni minsan ay hindi iyon naging dahilan ng kanilang pagtatalo. Dagdag pa ni Mary Rose na hindi naman daw lahat ng mga pangangailangan nyang material ay iaasa nya sa kanyang nobyo o sa asawa dahil pwede naman daw nila itong pagtulungan dalawa.

📷credit: Mary Rose Vargas

Wala din naman daw siyang pakialam kung ang iba man ay tumaas ang kilay pagnalaman ang trabaho ng kanyang kasintahan dahil hindi naman mahalaga sa kanya ang opinyon ng iba dahil ang mahalaga ay masaya sila at mahal nila ang isat isa.
Ayon pa kay Mary Rose “without the engineer’s hard hat and tricycle vest, pantay lang tayo.”
“Mula noon hanggang ngayon, sa lahat ng pagbagsak at pag angat ko sa buhay, naniwala ka sa akin at sa kakayahan ko. Hindi ka sumuko. Hindi tayo sumuko. Alam lahat ng kaibigan ko kung gaano ako kaswerteng ikaw ang ka”me and my jowa ko.”
Dagdag pa ni Mary Rose na wala silang dapat patunayan sa ibang tao at gusto din nya ipagmalaki at ipakita kung gaano sila pinatatag ng kanilang pagmamahalan na umabot ng labing apat na taon.

COMMENTS