8 Ideya sa pagse-celebrate ng Valentines ngayon panahon ng pandemya.


8 Ideya sa pagse-celebrate ng Valentines ngayon panahon ng pandemya. Hindi kailangan i-social distancing ang mga puso o idelay ang padiriwang n

Mala-Paraisong tanawin sa Antique, nagpamangha sa mga netizens at dayuhan.
Pinoy Engineer na sumali sa International Contest, nanalo ng 3.5 Million para sa kanyang Bamboo design.
Isang matanda na empleyado ng isang kompanya, kinaantigan ng mga netizens ang pagtitinda nito ng chicharon pagkatapos ng trabaho!

8 Ideya sa pagse-celebrate ng Valentines ngayon panahon ng pandemya.

Hindi kailangan i-social distancing ang mga puso o idelay ang padiriwang ng araw ng mga puso ngayong 2021. Diskarte lang ang kailangan, samahan pa ng effort at kilig, tiyak na winner ang date ngayon Pebrero.

Bagamat bukas na ang mga mall at restaurants, mas mabuti pa rin kung magiingat at sa bahay gawin ang date. Kung magkalayo naman ay maaaring mag virtual date. Tignan ang walong Valentines ideas ngayon panahon ng pandemya.

  1. Virtual Date

Maaaring mag Facetime, Skype, Zoom or Video Call para sa inyong virtual date. Magset-up ng dinner date via video call. Maaari din kayong magsetup ng games at ng pinoy henyo o kaya naman ay popquiz.

  1. Netflix / Online movies

Kaysa manood ng pelikula sa sinehan na kadalasan na ginagawa sa isang date, ay pwede naman kayong manoon na lamang ng Netflix movie sa inyong bahay. O kaya naman ay kung mahilig din sa Korean or anime ang inyong partner ay maaari kayo mag stream ng videos online. Kung magkalayo naman, ay pwedeng may ‘share your screen’ sa Facebook Messenger App.

  1. Online Concert

Tulad nang nakaraang concert ng sikat na Korean girl group na BLACKPINK, ay maaari rin kayong mag stream ng iba pang concerts online.

  1. Cooking

Lingid sa alam ng marami, exciting at nakakakilig ang magluto kasama ang inyong partner. Lalo na kung masasabayan ito ng konting harutan, tiyak na panalo ang stay-at-home date ninyo. Maaari di namang magorder ng pagkain ng lulutuin na lang tulad ng samgyupsal. O kung talagang walang cooking skill na mahalungkat sa pagkatao ninyo, ay maaari namang mag chocolate fondue.

  1. Online comedy shows

Maaari rin kayong manood ng online comedy shows para sumakit ang tiyan kakatawa. Mayroon din namang palabas sa YouTube na mga funny videos kung walang mahanap na live comedy show online.

  1. Dancing

At dahil nasa bahay lamang kayo, pwedeng-pwede na ninyo ilabas ang corny dance moves at sumayaw nang buong puso. Isama ang partner para naman hindi ka nagiisang mag mukhang nakakatawa. Maaari din gawing romantic dance, kailangan lang i-setup ang musika.

  1. Board Games

Isang fun activity ang boardgames, tiyakin lang na matalas ang inyong mata sa pandarayang gagawin ng partner mo. Kung wala namang boardgames at maaari kayo maglaro via PC or CP. Maghanap lang ng multiplayer games na maaaring laruin via LAN.

  1. Make a photobook

Kung puno na ang storage ng inyong mga cellphone sa dami ng slefies ninyong dalawa, oras na para gumawa ng photobook. Piliin ang pinaka magagandang photos, iprint, at ilagay sa photobook. Kung mas nais ninyo na virtual or softcopy, ay maaari din.

Maaari rin kayong magsuot ng couple shirt ay gumawa ng mini-photo shoot sa bahay. Ang iba pang ideya na maari ninyong gawin ay, maggawa ng vlog, paggawa ng tiktok videos, o pagulit ng inyong first date.

Mas mainam na magdiwang ng araw ng mga puso sa bahay, ngunit kung talagang nais ninyong lumabas, ay siguraduhin lamang na iwasan ang mga mataong lugar. Magdala rin ng facemask, face shield at alcohol upang mapababa ang tsansa na mahawaan kayo ng nakakahawang sakit.

COMMENTS