“Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito.


“Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito. Kilalanin ang P

Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.
Delivery man, tinaguriang ‘hero’ matapos masalo ang batang nahulog mula 12th floor.
Filipina Scientist who invented the Banana Ketchup and saved lives gets recognized by Google

📷credit: Migs Cano / Filipino Vines / Definitely Filipino

“Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito.

Kilalanin ang Pinoy surfer na si Roger Casugay na panalo sa puso ng isang mala-diyosang Dutch national na si Lisa Verwiej. Maliban sa kilig love story ng dalawa, ay nagviral rin si Roger dahil sa pagliligtas niya sa kalaban nito sa surfing competition.

Nakuha nito ang puso hindi lamang ng nobya nitong foreigner kundi pati na rin ng madla matapos nito iligtas ang Indonesian surfer na kalaban nito sa 2019 South East Asian Games (SEA Games). Lumaban si Roger sa kategoryang Men’s Long Board Competition at rito ay kasama niya ang kasintahang si Lisa. Lingid sa kaalaman nila na hindi maiuuwi ni Roger ang medalya ngunit uuwi siyang bayani.

📷credit: Jefferson Ganuelas Facebook

Parehong nasa dagat si Roger at ang Indonesian Athlete na si Arip Nurhidayat nang masira ang leash nito. Mabilis nawalan ng balance si Arip, at sakto naman ay napansin ito ni Roger at iniligtas ang Indonesian surfer.

Tiyak panalo at mauuwi ni Roger ang Gold Medal kung pinabayaan lamang niya ang kalaban ngunit mas pinili nitong tumigil at tulungan si Arip. Marami ang nakakita sa ginawa nito at lubos na nagpasalamat sa kabayanihan na ginawa niya.

Kaya naman ay panalong panalo sa madla si Roger kahit na hindi nito nakamit ang medalya.

📷credit: Definitely Filipino

Sa kabilang banda, nagviral na rin si Roger dahil sa nakuha nito ang puso ng magandang foreigner na si Lisa. Ayon rito ay surfing instructor si Roger kung saan ay kinuha siya ni Lisa upang turuan siya at ang mga kaibigan niya na magsurf. Pero habang natututo sa sport ay hindi alam ng dalaga na hindi lamang surfing ang matututunan niya kundi pati na rin ang mahalin si Roger.

Hindi naman maipagkakaila na magkaiba man ang lahi ng dalawa ay hindi ito naging sukatan upang hindi umibig. Ang pinaplanong bakasyon ni Lisa ay nauwi sa ‘forever’. Lumabas ang kwento ng dalawang magsing-irog sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

COMMENTS