Madiskarteng panliligaw ng isang bagger sa isang cashier, isinusulat sa resibo.


Madiskarteng panliligaw ng isang bagger sa isang cashier, isinusulat sa resibo. Ika nga sa kanta ni Donna Cruz, “Kapag tumibok ang puso, wala k

Inulan ng tulong ang isang ulirang ama na naglalako ng gulay habang babad sa initan kasama ang sanggol na anak.
Kakaibang istilong negosyo ang isang “Floating sari-sari store” sa Negros Oriental na pumatok ngayon sa mga turista!
House and Lot awardee mula sa raffle ng mga nagpabakuna sa Ilocos Sur, isang 22 year old ang nanalo!

Madiskarteng panliligaw ng isang bagger sa isang cashier, isinusulat sa resibo.

Ika nga sa kanta ni Donna Cruz, “Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.” Kahit na pagpilitan man tayo ilayo ng mahal natin ay mahirap sumuko. Talaga namang pag umibig ang isang tao ay wala na itong magagawa kundi magmahal.

Kaya naman nang mahulog ang loob ni Joselito Villastique – na isang bagger sa supermarket, kay Milagros ay hindi na nagpatumpik-tumpik ito. Cashier si Milagros sa pinagtatrabahuan nilang sumpermarket sa Ermita. Kung minsan na ma-assign si Joselito sa ibang cashier ay talagang nakikipagpalit ito upang maging bagger ni Milagros.

Sa interview ng ABS-CBN sa magasawa, ikinuwento ni Milagros, “Cashier ako siya isang bagger. Sinasabihan ako [ng mga katrabaho namin] ‘yan na naman yung manliligaw mo, nakikipagpalitan ng counter, kasi siya gusto niya maging bagger ako lagi.”

Pursigido naman si Joselito na suyuin si Milagros kaya naman ay madalas na nagsusulat ng ‘love notes’ si Joselito sa mga naiiwan na resibo sa supermarket. Tinatawag niya itong ‘sweetheart’ sa mga love notes na ibinibigay niya kay Milagros. Ito naman ang naging daan sa pagusbong ng pagiibigan ng dalawa. Inamin ni Milagros na kiniligi siya tuwing nakakatanggap sya nito, “Pag nakakatanggao ako ng ganoong sulat, siyempre kinikilig ako.”

Isang taon din matiyagang sinuyo ni Joselito si Milagros, at matapos nito ay nakuha din ng binata ang puso nito. Nagkaroon ng panahano na may sakit si Joselito at dinalaw siya ng dalaga sa bahay. Muli ay tinanong ni Joselito kung magkasintahan na ba sila ni Milagros. Ayon sa kwento ni Joselito, “One year ako nanligaw, eh nagkasakit ako. Dumalaw siya noon sa bahay. Hindi siya kumikibo. Sabi ko ‘Tayo na ano? hahalikan kita.’ Hindi siya kumikibo [kaya] hinalikan ko… Eh ‘di kami na.”

Nagupisa sila sa civil marriage noong Pebrero 7, 1984 at makalipas ang ilang buwan ay sa simbahan naman sila nagpakasal. Masayang nagsasama ang dalawa ngunit upang maitaguyod ang pamilya ay nagseaman si Joselito noong 1989. Biniyayaan naman sila ng dalawang anak.

 

COMMENTS