Ang Hapon na umibig sa isang babaeng badjao, kinasal at pina-kilig ang mundo.


Ang Hapon na umibig sa isang babaeng badjao, kinasal at pina-kilig ang mundo. Naniniwala kaba sa Love at First Sight? Marahil madami sa atin

Isang nakakamanghang market vendor ang nasungkit ang pagiging Mayor mula sa isang Doktor!
Dating nagsisiksikan lamang sa maliit na kubo ang siyam na magkakapatid na ito, ngunit nakapagpatayo ng kanilang dream house para sa kanilang magulang!
Filipino Chef with No Hands, Maricel Apatan, earns praise and awe for her perseverance in reaching her dreams.

📷credit: GMA News TV

Ang Hapon na umibig sa isang babaeng badjao, kinasal at pina-kilig ang mundo.

Naniniwala kaba sa Love at First Sight? Marahil madami sa atin ang naniniwala dahil nadin sa ang karamihan sa atin ang unang taong minahal nila ang siya na ding nakasama nila habang buhay.

O di kaya ay sa unang pagkikita palang nila sa isang tao ay alam na nila na iyong taong iyon ang makakasama nya habang buhay. Tulad nalang ng kwento ng isang lalaking Hapon na umibig sa isang babaeng Badjao.

Si Hiromu Matsuda ay ipinanganak at nagmula sa Niigata, Japan. Mahilig si Hiro magtravel at magadventure kung saan saang lugar at dahil nga sa pagtratravel nito ay napadpad ito sa Cebu, Philippines ng taong 2014. Hindi naman akalain ni Hiro na magugustuhan nya ang lugar ng Cebu kaya naman ng araw na dapat siya ay aalis na ay nagdesisyon itong wag umalis at manatili muna sa lugar na iyon.

Naging volunteer din si Hiro sa isang charity at isa sa programa nila ay ang puntahan ang komunidad ng Badjao na naninirahan sa Sitio Naba, Mambaling Cebu. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay dito pala makikilala ni Hiro ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso at ito nga ay si Shaima Mokaddam na isang Badjao.

Unang nagkita sila Hiro at Shaima sa isang wedding party at doon nga ay na Love at first sight agad si Hiro kay Shaima. Ayon kay Shaima “Sinabihan ako ng katabi ko, ‘uy Shai, yung Hapon laging nakatingin sa’yo”. Pero hindi naman niya pinansin ang sinasabi ng kanyang katabi. Ngunit sa kagustuhan ni Hiro na makilala at magpapansin sa dalaga ay binigyan nya ito ng panji na kung saan ay binibigay ng mga bisita sa mga taong nakatira sa lugar na iyon.

Sa pagkakataon ngang iyon ay agad napagdesisyunan ni Hiro na nais nyang ligawan si Shaima ngunit dahil galling sa pagkabigo sa pag-ibig si Shaima ay agad nya itong tinanggihan. Pero dahil sa gustong gusto talaga ni Hiro si Shaima ay hindi ito sumuko, ang hindi nya alam ay hindi lang pala ito ang problema na kanyang kakaharapin.

Nakatakda na din palang lumipat sa Palawan ang pamilya ni Shaima at dahil nga doon ay agad nagdesisyon si Hiro na nais nyang pakasalan ang dalaga. Kaya naman nang sabihin ni Hiro kay Shaima ang desisyon nya ay agad namang kinausap ni Shaim ang kanyang ina tungkol sa bagay na iyon at doon na nga nagsimula ang kanilang wedding ceremony.

Pero bago sila ikasal ay dapat nilang sundin ang tradisyon ng mga Badjao tulad nalang ng pagbbigay ni Hiro ng dowry sa pamilya ni Shaima, pagpaparty nila tatlong araw bago sila ikasal at ang pagsali nila sa ritwal ng Magba’tal. Pagkatapos nilang sundin ang tradisyon ng Badjao ay tuluyan na ngang kinasal sila Hiro at Shaima.

Sa ngayon ay masayang namumuhay sila Hiro at Shaima sa Alaska Mambaling, Cebu kasama ang kanilang anak lalake. Nagtratrabaho din bilang isang blogger si Hiro at kabilang din siya sa isang advertising company sa Japan. Minsan din ay nagiging tour guide si Hiro ng kapwa Hapon na gustong mamasyal at mag-island hopping sa kanilang lugar.

Talaga namang nakakahanga at nakakakilig ang pag-iibigan nila Hiro at Shaima na kahit bago palang silang magkakilala ay minahal na nila ang isat isa ng buong puso at walang halong pag-aalinlangan. Naway makilala mo din ang Hiro o Shaima ng buhay mo.

COMMENTS