Kilig Story sa Tinder: British, lumipad pa-Malaysia para pakasalan ang babaeng nakilala sa ‘Dating App’.


Kilig Story sa Tinder: British, lumipad pa-Malaysia para pakasalan ang babaeng nakilala sa ‘Dating App’. Nauso ang Dating App na Tinder upang m

Derek Ramsey, nararamdaman na si Ellen Adarna na ang kanyang “the one”.
Pagiibigang nagsimula sa paghiram ng ‘tabo’, viral sa social media.
Mag-fiance ang nag pre-nuptial photoshoot ng parang movie posters, nag viral.

📷credit: Lisa A, Diamond Twitter

Kilig Story sa Tinder: British, lumipad pa-Malaysia para pakasalan ang babaeng nakilala sa ‘Dating App’.

Nauso ang Dating App na Tinder upang magkaroon ng mas malawak na oportunidad na makilala ang mga tao sa malapit sa lugar natin. Hindi maiwasan na may mga taong ginagamit ito nang walang malinis na hangarin. Kung papalarin, ay maaari mo rin makilala dito ang taong magmamahal sayo habang buhay.

Tulad na lamang ni Lisa Ariffin, na isang Malaysian, na sumali lamang sa Tinder matapos ito hiwalayan ng boyfriend nito. Upang mawili ang sarili at hindi magpatalo sa lungkot ng damdamin ay naisipan nitong mag-Tinder. Naka-match nito ang isang British army personnel na dumaraan lamang sa Malaysia upang magpunta ng Brunei.

Hindi makapaniwala si Lisa nang may maka-match siyang British kaya naman ay naintriga ito at kinausap ang lalaki. Sa kasamaang palad, ay nasa Brunei na si Charlie Diamond nang matanggap niya ang chat ni Lisa. Datapwat ay itinuloy pa rin nila ang paguusap, kadalasan ay tungkol sa trabaho ng isa’t isa. Dito nalaman ni Lisa na dumaan lamang pala si Charlie ng Malaysia, na sakto namang lumabas sa Tinder ng dalaga.

Tadhana? I think, yes!

📷credit: Lisa A, Diamond Twitter

Nagkamabutihan ang loob ng dalawa, hanggang sa bumalik ng Kuala Lumpur si Charlie para sa kanilang first date!

Hindi naman naging hadlang kay Lisa ang cultural difference nila at walang language barrier dahil matagal rin nag-aral si Lisa sa isang international school sa UK.

📷credit: Lisa A, Diamond Twitter

Napagtanto na rin ng dalawa na malalagay sila sa long distance relationship o LDR, at dahil na rin sa pag-ibig ay lalo lang nagtumibay ang relasyon nila sa kahit na nasa magkabilang mundo sila.

Matapos ang apat na taon ay bumalik si Charlie ng Malaysia upang pakasalan ang babaeng pinakamamahal nito.

📷credit: Lisa A, Diamond Twitter

Katulad ng paglalakbay ni Charlie na dumaan lamang sa Malaysia, ay may mga taong dadaan lamang sa buhay natin. Kadalasa ay magiiwan ang mga ito ng aral na magagamit natin sa hinaharap. Subalit may mga tao rin na akala natin ay daraan lang, yun pala ay mananatili na, hahawakan ang ating kamay at sasamahan ka sa lakbayin ng buhay.

COMMENTS