Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.


Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang. Bilang anak na pursigido at mapagmahal, un

Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.
Magkasintahan na nagipon ng barya, umabot na sa isang Milyon!
Magasawa na nagtitiis sa isang 7-peso corned beef pack pantawid-gutom noon, nakamit na ang tagumpay ngayon.

Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.

Bilang anak na pursigido at mapagmahal, unang pinakitaan ni Kiray Celis ng pagmamahal ang kanyang mga magulang sa araw ng mga puso.

Ang ating mga magulang ang unang nagpakita sa atin ng pagmamahal sa oras na isinilang tayo sa mundo. Kaya naman ay ka-antig antig ng puso ang ginawa ni Kiray para sa kanyang mga magulang.

Makikita naman sa litrato na in-unpload ni Kiray sa social media ang ligaya na dulot sa mga magulang, ng munting sorpresa ng artista. Dalawang malalaking ‘Cash Bouquet’ ang ibinigay ni Kiray sa kanyang mga magulang. Bawat isa, say may napakalaking bouquet, at sa halip na bulaklak, ay pera na nakaayos na parang pamaypay ang nakalagay. Makikita na tig 100 piso bill ang nakalagay sa bouquet ngunit hindi naibahagi kung magkano ang halaga ng mga paper bills.

Sa dingding naman ay makikita ang isang collage ng mga litrato ng pamilya nito. Ito ay maaaring mga moments na espesyal sa pamilya. Tila naka matching outfits naman si Kiray at ang mga magulang nito sa lahat ng litrato na pinost ng dalaga.

Nagiwan ito ng mensahe para sa mga magulang sa caption ng post nito, “Happy happy valentines day, Mama and Papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay niyo.”

Dagdag pa ni Kiray, “Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal & pagitindi sakin. Mahal na mahal ko kayo. Nest time, tig 1k nayan lahat. Pagpasensyahan niyo na? Yan lang nakayanan ko.”

Simula bata pa lamang ay umaarte na si Kiray at nakilala sa showbiz sa edad na 4. Ngunit nang dumating ang pandemya, ay isa ang industriya ng showbiz ang naapektuhan. Dahil rito ay maraming mga artista at personnel ang nawalan ng trabaho. Sa kaso naman ni Kiray ay natuto ang dalaga humanap ng paraan katulad ng pagv-vlog. Ipinapakita nito ang daily routines at pamamasyal kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Bumilib naman ang mga netizens sa ginawa nito lalo na’t kahit may boyfriend ito ay hindi kinalimutan magdiwang ng araw ng mga puso kasama ang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

COMMENTS