Julia Barretto at Joshua Garcia nagkaroon ng closure ng gumanap sa music video ni Moira na “Paubaya”.


Julia Barretto at Joshua Garcia nagkaroon ng closure ng gumanap sa music video ni Moira na “Paubaya”. Anu ba ng Valentines Day at anu ba ang

James Reid, umani ng papuri sa kanyang performance sa WISH 107.5 bus para sa awiting, ‘Soda’.
Hopia from ‘Going Bulilit’ looks incredibly stunning in her Prenup Shoot.
Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano.

📷credit: filipino.news

Julia Barretto at Joshua Garcia nagkaroon ng closure ng gumanap sa music video ni Moira na “Paubaya”.

Anu ba ng Valentines Day at anu ba ang meron pagdumadating ang araw na ito? Sabi ng iba, ito ay araw ng mga puso, araw ng mga taong nagmamahalan, araw kung saan ang karamihan sa mga nagmamahalan ay nakakatanggap ng bulaklak o tsokolate.

Ngunit hindi lahat ng tao ay masaya sa araw na ito, dahil madami din sa atin ang single, malungkot, meron din naman na nasa proseso na ng pagpapahilom ng nasawing puso at meron ding kagagaling lang sa pagkikipaghiwalay. Pero hindi lahat ng paghihiwalay ay malungkot dahil meron din naman naghihiwalay na nagiging magkaibigan ulit at nagkapatawaran na sa mga kasalanan nila sa isat isa. May naghihiwalay dahil sa hindi na sila masaya at napagod na sila.

Katulad nalang ng ginampanang karakter nila Julia at Joshua sa music video na Paubaya na kinanta ni Moira na halos nahahawig sa totoong nangyari sa relasyon nilang dalawa. Ang kantang Paubaya ay tungkol sa pag-iibigan na nauwi sa hiwalayan at sa pagpapatawad.

Sakto naman sa araw ng mga puso ng inilabas ang music video na ‘Paubaya’ kaya naman hindi maiwasan na madami sa mga netizens ang nagging emosyonal sa nasabing kanta dahil narin sa ang gumanap ay dalawang taong kagagaling lang sa hiwalayan.

Ipinakita sa video na si Julia at Joshua at nagplanong magpakasal at ng dumating nga ang araw na sila na ay ikakasal, biglang tumakbo papaalis ng simbahan si Julia pagkatapos sabihin ni Joshua ang katagang “I Do”. Ipinakita din sa music video na ito ang mga picture at video nila Joshua at Julia nung sila ay magkasintahan pa sa totoong buhay.

Pagkatapos umalis ni Julia sa simbahan ay naiwan dito si Joshua na gulong gulo sa nangyayari pero hindi nagtagal ay bumalik din si Julia at dito na nga tumigil ang kanta ni Moira. Sa pagkakataong ito ay nagsimula ng huminge ng tawad si Julia kay Joshua at sumunod naman si Joshua kay Julia.

Aniya ni Julia, “I’m sorry, Josh. I’m sorry napagod ako. I’m Sorry nawala ako. Natakot ako kasi hindi kita mahanap noon. Binigay ko lahat. Binigay ko sa’yo lahat, naubos lang ako. I’m sorry nasaktan kita”.

Sinagot naman agad ito ni Joshua ng, “Sorry. Sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ako. Sorry kung wala ako nung kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan. Natakot ako. Sobra. Pero gusto ko nandun ako. Gusto ko nandun ako nung nasasaktan ka. Pero wala. Siguro dahil alam ko na rin na, na hindi tayo para sa isat isa.”

Sinubukan naman natin diba. Nilaban naman natin diba” sagot naman ni Julia sa sinabi ni Joshua.

Nagpasalamat naman si Joshua kay Julia para sa mga memories na ibinigay at ibinahagi nito sa kanya. Nagwakas ang music video na nagpapasalamat si Julia at Joshua sa isat isa at nagkapatawaran narin silang dalawa. Marami ang nagsasabi na ang mga linya ni Julia at Joshua sa music video ay sarili nilang linya at iyon talaga ang nais nilang sabihin sa isat isa, marahin iyon na nga ang closure na inaantay nilang dalawa. Malungkot man ang ending ng music video pati nadin ang relasyon nila Julia at Joshua na tuluyan ng winakasan, ang mahalaga ay nakahinge sila ng tawad sa isat isa at pinaubaya na nila ang lahat sa Diyos Ama.

COMMENTS