Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay.


Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay. Tuwing araw ng mga puso, karaniwan na nagbibig

Ion Perez, inilantad ang ginamit nito upang mapa-ibig si Vice Ganda. “May ano yun, may agimat.”
Derek Ramsey, nararamdaman na si Ellen Adarna na ang kanyang “the one”.
Indonesian Surfer at Napakagandang British Girl na may nakakakilig na love story.
Vegetable-Bouquet

📷credit: @reallysharoncuneta / Instagram

Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay.

Tuwing araw ng mga puso, karaniwan na nagbibigay ang mga mapagmahal na asawa ng regalo sa kanilang mga wifey. Bagkus may iba’t ibang paandar na ngayon, naroon pa rin ang intension na maiparating ang kanilang pagmamahal sa kanilang asawa.

Ganun na lang din ang pagkatuwa ng netizens nang malaman na nagbigay ng vegetable bouquet si Sen. Kiko sa asawa nitong si Shawie. Umani ng napakaraming likes at komento ang post ni Shawie na litrato ng bouquet na ibinigay ng asawa. Kitang kita na fresh pa ang mga gulay na ibinigay nito. Hindi lang puso ni Shawie ang natuwi kundi pati ang madla.

Caption naman ng megastar sa litrato, “Eto na naman ang neighbor kong asawa ko. Balentayms gip niya, gulay! At basahin nyo please, ang sinulat. Hahahaha! Happy Valentine’s Day everyone! I love you guys. God bless us all

May isunulat pa umano ang senador na kahulugan para sa mga gulay na makikita sa bouquet. Pinasumulan niya ito ng, “To my dearest sweetheart, Sharon..” at itinuloy na ang kahulugan ng regalo nito. Aniya, ang cauliflower raw ay “kakaibang bulaklak” na para umano “mabusog sa pagibig” si Shawie.

Ang berdeng siling pangsigang naman ay para umano sa “umuusok na anghang ng ating pagibig”. Ang Calamansi at Kamias naman ay nagsisimbolo umano ng, “asim sarap na pagmamahalan” ng mag-asawa. Ang puso ng saging naman ang may pinaka nakakakilig na mensahe, ito umano ay dahil “ang puso ko belongs to you only and no other!

Kahit si Juday ay hindi nakapagpigil na magkomento sa paandar ng sendor at nagkomento, “Ang cute cute ni kuya! Hahaha!”

📷credit: @officialjuday/ Instagram

Maliban sa bouquet of vegetables ay nagbigay din ang senador ng flower bouquet sa asawa. Marami ang natatawa at natutuwa sa ginawa ng senador, pero higit sa lahat ay marami ang kinilig. Walang duda na ang ibang asawa ay tiyak na magbibigay na rin ng bouquet of veggies sa kanilang mga asawa sa susunod na Valentines!

 

COMMENTS