Xian Lim, naghanda ng sorpresa para sa girlfriend na si Kim Chiu na over the top sa kilig!


Xian Lim, naghanda ng sorpresa para sa girlfriend na si Kim Chiu na over the top sa kilig! Mala-movie scene ang inihanda ni Xian Lim na sorpres

Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.
Lola na nangongolekta ng seafood sa dagat, pursigido dahil sa anak nitong may sakit.
Babaeng sumubok sa Sandok Pera Challenge, singsing ang nakuha!

Xian Lim, naghanda ng sorpresa para sa girlfriend na si Kim Chiu na over the top sa kilig!

Mala-movie scene ang inihanda ni Xian Lim na sorpresa para sa Valentines date nila ng aktres na si Kim Chiu. Mabilis naman kumalat ang nakakakilig nilang date matapos ito ipost ng aktres sa kanyang Instagram account.

Karamihan sa mga kababaihan ay minsan nang nangarap ng mala- ‘Fifty Shades of Grey’ na romantic date. Kung saan ay lilipad sa isang private plane o kaya naman ay helicopter, para sa isang romantic date. Kaya naman nang malaman ng netizens ang get-away date nila ni Xian Lim, ay di na ng mga ito naiwasan na masambit ang, ‘Sana All’.

Minsan nang nabanggit ni Kim Chiu sa kanyang Instagram na madalas daw talagang magsorpresa si Xian Lim sa kanya. Pero hindi talaga umano nito inaakala na ang matatanggap niyang sorpresa sa araw ng mga puso noong Febuary 14.

Ayon sa post ni Kim ay, “Happy Valentine’s day, indeed!!! I woke up to a beautiful surprise today!!!! This guy has a lot of surprises in his pocket.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Ibinahagi din ng dalaga na hindi umano ito handa sa mga sorpresa ng binata. “Sabi niya out of town tayo. Then suddenly, he sent a hangar address kala ko saang out of town, FLY out of town pala. Di ready outfits ko!!! Pero I melt,” pagsasaad ni Kim matapos ipost ang litrato na nasa loob ng plane.

Sa mga sumunod na update ng magkasintahan, ay dinala pala umano ni Xian Lim, si Kim sa Coron, Palawan para doon magdiwang ng kanilang Valentine’s day. Makikita na sweet na sweet ang dalawa sa Two Seasons Coron Island Resort & Spa. “Thank you my always!!!” naman ang sambit ni Kim sa nobyong si Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Nagkakilala sa showbiz ang dalawa at matagal nang nagda-date ngunit 2018 lamang kinompirma ni Kim ang kanilang relasyon. Noon pandemya ay sabay na lockdown ang dalawa dahil sa kanilang palabas na “Love Thy Woman”. Sa isang interview ay inamin ni Kim na mas lalo naging close ang dalawa noong panahong iyon.

COMMENTS