Angelica Panganiban, ipinakilala na sa publiko ang nobyo nitong non-showbiz.


Angelica Panganiban, ipinakilala na sa publiko ang nobyo nitong non-showbiz. Pumapag-ibig na ang Queen Bee na si Angelica Panganiban, at ang no

Derek Ramsey, may pagbabalik tanaw patungkol sa kanyang mga exe’s na sina Andrea Torres at Angelica Panganiban. Ano naman kaya ito?
Loyal Kapamilya Stars who have been with ABS-CBN for decades
Inspiring na mga artista na hindi lumaki sa kanilang biological family at mapalad na magkaroon ng mapagmahal na pamilya.
Angelica Panganiban shares kilig selfie with boyfriend Gregg Homan

📷credit: Angelica Panganiban / Instagram

Angelica Panganiban, ipinakilala na sa publiko ang nobyo nitong non-showbiz.

Pumapag-ibig na ang Queen Bee na si Angelica Panganiban, at ang nobyo nito ay malayo sa showbiz spotlight. Sa wakas, ay ipinakilala na ni Angelica ang nobyo niya na si Gregg Homan.

Hindi pa man naibabahagi ang love story ng dalawa, ay kinikilig na ang mga fans at netizens. Parang telenovelang nasubaybayan ng mga fans ang romantic life ng aktres. Ngayon ay masayang masaya ang supporters nito dahil may tamis na muli ang mga ngiti ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Nagpost ito ng litrato ng outing nito sa Subic Bay at naka-tag ang isang lalaking nagngangalan na Gregg Homan. Pumapagitna naman sa kanila ang isang aso na ginamit nito pang caption. “Dad, Mom, make space for me? ‘Cause I’m the cutest,” aniya umano ng aso na ang pangalan ay Roxy.

Simula November 2020 ay pinaghihinalaan na may noybo na si Angelica ngunit walang pahayag na ibinibigay ang dalaga. Pero nitong New Year ay nagpost si Angellica ng litrato na may kahalikang lalaki at may fireworks sa background. Simula noon ay marami ang nagtatanong kung sino ang ‘mystery guy’ na kasama ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Si Homan marahil ang kauna-unahang nobyo ng dalaga na hindi artista. Matatandaan na ang mga dating nobyo nito ay sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz, at si Carlo Aquino.

Kaya naman sa bawat ‘hugot’ na inihahagis ni Angelica sa comedy show na ‘Banana Split’ ay talagang ramdam ang emosyon sa likod ng mga ngiti nito. Bagamat nagkaroon na ng tatlong failed relationships ay madalas naman naipabalita ang artista ng mga achievements nito. Hindi ito nagpadala sa mga breakups nito at pinagpatuloy ang karera sa showbiz.

Kilala ang Kapamilya Actress na si Angelica Panganiban sa pag-ganap nito bilang si Becky sa pelikulang Princess Sarah noong bata pa lamang ito. Kabilang din siya sa hit comedy show na Banana Split na siyang nagbigay saya sa manonood ng mga nakaraang taon.

COMMENTS