Catriona Gray, nagshare ng video ng Valentine’s date sa Batangas kasama ang nobyong si Sam Milby.


Catriona Gray, nagshare ng video ng Valentine’s date sa Batangas kasama ang nobyong si Sam Milby. Iba-iba ang mga paraang ng mga artista sa pag

US-Based, Pinay aesthetician reveals which celebrity have the most beautiful skin.
Catriona Gray admits, “I’m very lambing” with boyfriend, Sam Milby.
Olivia Rodrigo, biggest fan umano ni Catriona Gray at flattered tuwing sinasabing magka-mukha sila.

📷credit: panaynews

Catriona Gray, nagshare ng video ng Valentine’s date sa Batangas kasama ang nobyong si Sam Milby.

Iba-iba ang mga paraang ng mga artista sa pagce-celebrate ng araw ng mga puso. Kung ang iba ay nanatili sa bahay kasama ang pamilya at mahal sa buhay, mayroon ding mga magkasintahan na namasyal. Kahit saan alin man ang planong ginawa sa pagdiriwang, ang importante ay naipakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Bagamat parehong sikat na sikat, ay napaka low key ng magkasintahang si Catriona Gray at si Sam Milby tungkol sa kanilang relasyon. Nito lamang nakaraang linggo ay nagtungo ang dalawa sa Batangas upang magdiwang ng Valentine’s day.

Kamakailan lamang ay nagpost si Catriona ng maikling video ng kanilang date sa Nayomi Sanctuary Resort, sa Batangas. Ito ang Resort ng kaibigan ni Sam Milby na si John Prats. Private resort ito, kaya naman ay solong-solo ng dalawa ang mala-paraisong resort.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)

Mapapansin na halatang masaya ang araw ng dalawa sa video kasama ang aso ni Catriona na si Theo. Bagamat maikli lang ay kita naman ang mga ngiti at halatang enjoy ang dalawa sa kanilang Valentine’s day. Nilagyan naman ito ni Catriona ng caption na, “Hope you all had a day full of love. I know I did! Happy Valentine’s day friends!”

Maraming netizen at mga kaibigan ang pumuri sa short video ni Catriona. Mala-advertisement ng isang summer resort daw ang video ng dalaga.

Si Catriona na nga ba ang ‘The One’ ni Sam Milby?

Marami ang na-iintriga sa relasyon ng dalawa lalo na’t pribado ang mga ito pagdating sa kanilang love life. Madalang kasi ang dalawa mag post o magkwento sa kani-kanilang social media.

Sa isang presscon noong August 2020 ay inamin ni Sam Milby na sa tinging niya, si Catriona na ang babaeng makakasama niya habambuhay. Subalit, hindi naman nito minamadali ang buhay may asawa dahil alam nito na bago pa lamang si Cat sa kanyang karera.

COMMENTS