James Reid, umani ng papuri sa kanyang performance sa WISH 107.5 bus para sa awiting, ‘Soda’.


James Reid, umani ng papuri sa kanyang performance sa WISH 107.5 bus para sa awiting, ‘Soda’. Tiyak na mapapagalaw ang inyong mga balakang sa b

Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia
Viral ngayon ang video ng aktor na si James Reid, dahil sa paghalik di-umano sa kanya ng isang lalaki!
ALAMIN: Liza Soberano aalis na sa poder ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz, at magiging bagong talent manager na si James Reid?

📷credit: Manila Bulletin

James Reid, umani ng papuri sa kanyang performance sa WISH 107.5 bus para sa awiting, ‘Soda’.

Tiyak na mapapagalaw ang inyong mga balakang sa bagong awitin ni James Reid na ‘Soda’. Matapos ng three-year hiatus nito sa kanyang music career, ay saka nito inilabas ang kanta nitong 2021.

Hindi pa man kumpirmado kung talaga nga bang nagkabalikan na sila ni Nadine, ngunit aminado naman ang aktor na kasama niya si Nadine sa paggawa ng kanta. Ito pa nga umano mismo ang nagdugtong sa parte ng lyrics noong ginagawa pa lamang ito ni James Reid. Ayon kay James, si Nadine ang nagsulat ng liny sa kanta na, ‘Can we taketime, don’t lose the stars in your eyes.’

Nang tinanong naman si James kung bakit ‘Soda’ ang title ng kanta, ay ipinaliwanag niya ito na katulad umano ng unang higop ng soda. Aniya, “I called it ‘Soda’, because I’m not entirely sure why. When I was making the music that’s how it made me feel. You know when you’re thirsty and you have that first sip of soda, it feels so good.”

Nabigyan naman ng pagkakataon si James Reid na awitin ang ‘Soda’ ng live sa Wish 107.5 bus. Mapapansin na hindi ito tulad ng mga dating kanta ni James na may ‘kilig’ factor. Mas umaangat ang pagka-catchy ng kanta at medyo upbeat.

Binabalak naman ni James Reid na ipagpatuloy ang ganitong klase ng awitin. Aniya, “I feel like this is the kind of sound that I’ve always really loved. Definitely the music I’ll be making moving forward is something along this line, like a mixture of funk and little but of soul, RnB.”

Marami namang fans ang humanga sa kanta ni James Reid at may iba naman na nagrereklamo bakit daw napaka underrated ni James Reid. Bumabagay naman rito ang bagong haircut nito na malayong malayo sa hitsura nito noon. Mas nagmukha itong ‘hunk’ at mas mature kaysa sa dating imahe na ipinapakita nito sa media.

Panoorin ang video rito.

COMMENTS