Bianca Manalo may sagot na sa issue na buntis daw sya.


Bianca Manalo may sagot na sa issue na buntis daw sya. Normal na sa mga artista na maungkat ang kanilang pribadong buhay dahil hindi naman nila

Ryzza Mae Dizon, mayroon nang napakagandang bahay sa Quezon City
Neri Miranda, masayang ibinahagi ang kanyang graduation picture sa kanyang nalalapit na pagtatapos ngayon sa kolehiyo.
Awra Briguela pinaaral at napagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo.

📷credit: Bianca Manalo IG

Bianca Manalo may sagot na sa issue na buntis daw sya.

Normal na sa mga artista na maungkat ang kanilang pribadong buhay dahil hindi naman nila ito ganoon kadaling itago sa mata ng publiko. Kaya naman kahit ang iba sa mga bali-balita sa kanila ay hindi totoo ay wala silang magawa kundi depensahan ang kanilang mga sarili.

Isa na ngang halimbawa dito ang Beauty Queen at Kapamilya aktres na si Bianca Manalo na hindi nakaligtas sa bali-balitang siya ay buntis na.

Noong nakaraang taon ay lumabas sa social media ang mga larawan ni Bianca Manalo kasama di umano ang kanyang kasintahan na si Senator Win Gatchalian. Sa nasabing larawan makikita ang pagkasweet nilang dalawa sa isat-isa kaya agad nakumpirma ng mga netizens na sila nga talaga ay magkasintahan na. Matatandaan na dating naging kasintahan ni Bianca Manalo ang Mayor ng Pandan Antique na si Jonathan Tan at sila din ay nabalita ng sila ay naaksidente sa banka ng taong 2018.

Hindi naman nakaligtas si Bianca Manalo sa mapanghusgang mata ng mga netizen nang magbahagi ito ng larawan kuha sa kanyang bakasyon sa Europa. Isa sa nakakuha ng pansin at atensyon ng mga netizens ay ang larawan nito habang nagdadasal sa Sacre-Coeur de Montmartre (Basilica of the Sacred Heart of Paris) sa Paris France, dahil di umano sa suot nitong damit. Ang larawan na ito ni Bianca Manalo ay may caption na “We light a candle for many purposes: to dedicate prayers, solidify intentions, offer blessings, and/or to nourish grateful living. Blessed Sunday.

Isa nga sa nagkomento ay @johnny22d at ayon sa kanya, “I think she’s preggy but she will not admit it.”. Agad namang nagkomento dito si Bianca ngunit face emoji na nag-iisip lang ang kanyang nilagay.

Hindi naman nakatiis si @karensilvergray kaya diretso niyang tinanong si Bianco Manalo ng, “@biancamanalo pregnant ka po ba?. Sinagot naman ni Bianca ang tanung ng netizen ng “no I’m not.”

Pagkatapos kumpirmahin ni Bianca Manalo ang bali-balita na sya ay buntis, madami din namang mga netizens ang pinagtangol si Bianca Manalo. Isa na nga dito si @msdulcecabato na nagsabing, “Ayan kasi knows everything eh. Lumaki lng kunti ung belly kasi busog, buntis agad.”

 

COMMENTS