Ion Perez, inilantad ang ginamit nito upang mapa-ibig si Vice Ganda. “May ano yun, may agimat.”


Ion Perez, inilantad ang ginamit nito upang mapa-ibig si Vice Ganda. “May ano yun, may agimat.” Malaki na ang tagumpay na inabot ni Vice Ganda

Magkasintahan na nagphotoshoot suot ang kanilang lumang uniporme para sa kanilang 10th year Anniversay!
Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.
Xian Lim, naghanda ng sorpresa para sa girlfriend na si Kim Chiu na over the top sa kilig!

📷credit: Ion Perez, YouTube

Ion Perez, inilantad ang ginamit nito upang mapa-ibig si Vice Ganda. “May ano yun, may agimat.”

Malaki na ang tagumpay na inabot ni Vice Ganda sa mundo ng showbiz. Pati ba naman sa pag-ibig, ay wagi din ang komedyante. Subalit si Vice nga ba ang naka-jackpot o di kaya naman ay may ginamit ang nobyo nitong si Ion na, ‘agimat’?

Sa latest vlog ni Ion, ipinakita nito ang paghahanda para sa kanyang lock-in shooting. Dito ay ibinahagi nito kung ano ang ginamit niya na nagpatibok ng puso ng unkabogable star na si Vice Ganda.

Ang lock-in shooting na gaganapin ay para sa pelikula na pagbibidahan niya kasama ang sexy star na si Sunshine Guimary na, ang ‘Kaka’. Pagkkwento ni Ion sa mga viewers nito, “Magla-lock-in taping tayo, shooting. Ayun, dapat kailangan nating i-prepare ngayon yung mga dadalhin natin – mga gagamitin.” Dadalhin umano nito ang mga “pangmayamang outfit” nito dahil ang karakter niya sa pelikula ay anak ng isang mayaman.

Pagsasaad ni Ion, “Ako’y isang mayaman, anak ng may-ari ng isang kumpanya. Tamang-tama, yun’ mga suit ko nun’ ano… ‘Kuya Escort’ ako, maga-gamit ko ulit di ba? Sulit, na sulit.”

Nakilala naman si Ion ni Vice sa pagiging ‘Kuya Escort’ nito sa noon time show na ‘It’s Showtime’. Pagkkwento ni Ion, “Dun ko nabihag si Meme, sa black suit. May ano ‘yon… may agimat.” Dagdag pa nito, “Makapangyarihan iyon.”

Nakadalawang taon na ang relasyon ni Vice Ganda at ni Ion at magta-tatlong taon sa Oktubre 2021. Bagamat nagkaroon na ng mga past relationships, ay si Ion pa lamang ang kauna-unahang boyfriend na ipinakilala sa publiko ni Vice. Hindi maitatanggi na inulan ng batikos ang kanilang relasyon noong una, lalo na’t bago pa lamang si Ion sa mundo ng Showbiz. Subalit nagbigay naman ng pahayag si Ion na mahal niya si Vice at maganda ang intension niya dito. Habang tumatagal ay dumarami ang fans na kinikilig sa pagsasama ng dalawa, kaya naman na tunay na naka-jackpot si Vice Ganda sa poging nobyo nito.

COMMENTS