Regine Velasquez, binalikan ang performance nito kasama ang 98 Degrees, dalawang dekada na ang lumipas.


Regine Velasquez, binalikan ang performance nito kasama ang 98 Degrees, dalawang dekada na ang lumipas. Bagamat dalawang dekada na ang lumipas,

Mariel Padilla lumipad patungong Spain kasama ang dalawang anak, iniwan ang asawang si Robin Padilla sa kabila ng pangunguna nito sa Senatorial race!
Masayang ibinahagi ni Jimmy Santos ang pinasok niyang hanapbuhay na pag-uuling!
Nino Muhlach, may kapatid na ubod ng ganda at mas piniling maging Engineer kaysa pumasok sa showbiz.
Regine Velasquez with Nick Lachey

📷Regine Velasquez and Nick Lachey. credit: S.O.P/GMA

Regine Velasquez, binalikan ang performance nito kasama ang 98 Degrees, dalawang dekada na ang lumipas.

Bagamat dalawang dekada na ang lumipas, naikwento muli ni Asia’s Songbird, Regine Velasquez, ang pangyayari sa isang performance sa dating GMA show na, S.O.P. Para sa kanya ay ‘salbahe’ si Nick Lachey na isa sa mga miyembro ng 90’s boy band – 98 Degrees.

Nakausap sa isang panayam si Regine ng online show na ‘BrightWin Ninangs Live!’ Dito ay kinuwento ni Regine kung ano ang nangyari sa 1999 episode ng S.O.P noong nagperform ito kasama ang 98 Degrees noong dumalaw ito sa bansa. Parte umano ng events ng grupo na mag-guesting sa S.O.P. at kantahin ang isa sa mga hit songs nila na, ‘The Hardest Thing’.

Pagsasaad ni Regine sa online interview, “Iyang si Nick Lachey… nuknukan ng yabang. Nuknukan ng yabang! But the other guys, are really cool.” Kabilang sina Jeff Timmons, Drew Lachey at Justin Jeffre sa mga miyembro ng nasabing grupo.

Siyempre, medyo oriental ang hitsura ng lola mo. So nagagandahan sila sa ‘kin, di ba? Lumalandi-landi ng ganoon, nang very light,” kwento ni Regine sa unang pagkikita nila ng grupo. “Iyong Nick Lachey, ang salbahe!”

Dagdag pa nito, “Sige ka mamaya… Humanda ka sa ‘kin.” Makikita sa performance na na-outshine ni Regine ang boses ni Nick Lachey. Bumirit ito sa mga high notes ng kanta. “Kinain ko talaga siya! Kasi minsan hindi naman ako nangangain di ba, relax-relax lang.”

Bagamat hindi ipinaliwanag ni Regine kung bakit niya nasabing ‘salbahe’ si Nick, ay itinuloy naman nito ang kanyang kwento. “Biruin mo, umpisa pa lang nagmamagaling! Baklang ‘to, humanda ka sa ‘kin, hindi ka na maririnig!

Ayon dito ay rehearsals pa lang ay di na niya tipo ang ugali nito, “Nainis ako kasi parang… ‘Bakla nasa country ka naming ha? Huwag kang umarte-arte dyan.’”

Dahil dito ay muling naungkat ang performance ng 98 Degrees sa defunct show ng GMA. Maraming netizen naman ang nakapansin sa sinasabi ni Regine na ‘kinain’ niya ito. Panoorin ang video rito.

COMMENTS