Tingnan ang Modern Family Setup nila Jennyln Mercado at Dennis Trillo.


Tingnan ang Modern Family Setup nila Jennyln Mercado at Dennis Trillo. Sa panahon ngayon, madami na tayong nakikitang mga dalagang ina o binata

TINGNAN: Ang napakagandang maternity photoshoot ng celebrity mom na si Jennylyn Mercado na classical painting ang dating.
Jennylyn Mercado masayang ibinahagi ang kanyang biglaang panganganak, certified mommy na ang aktres!
Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia

📷credit: Jennylyn Mercado Instagram

Tingnan ang Modern Family Setup nila Jennyln Mercado at Dennis Trillo.

Sa panahon ngayon, madami na tayong nakikitang mga dalagang ina o binatang ama o di kaya naman ay mga single parents na kung saan ay hindi nila nakakatuluyan o iniwan sila ng ama o ina ng kanilang mga anak. Buti nalang, kahit ganun pa man ang nangyari sa ibang single parents ay nakakatagpo pa din sila ng taong magmamahal sa kanila ng buo at tanggap ang mga anak nila. Isa na ngang halimbawa dito ang magkasintahang sila Jennelyn Mercado at Dennis Trillo na parehong may anak sa una nilang naging karelasyon.

Marami ang humahanga kila Jennelyn Mercardo at Dennis Trillo dahil sa modern family setup nilang dalawa na kung saan ay sang ayon din naman dito ang kanilang mga anak na sina Calix at Alex sa dati nilang mga kasintahan. Si Calix Andreas ang anak ni Dennis Trillo sa dati nitong kasintahan at beauty queen na si Carlene Aguilar at si Alex Jazz naman ang anak ni Jennylyn Mercardo kay Patrick Garcia na dati nitong kasintahan at kapwa artista. Dahil na din sa ganitong setup nila ay nakahanap ng pagmamahal at kalinga ng isang kapatid, ama at ina ang kanilang mga anak.

Isa na ngang patunay sa maayos na family setup nila Jennylyn at Dennis ay ang mga bonding moments nila kasama sila Calix at Alex. Ibinabahagi din naman nila ito sa kanilang social media account, tulad nalang ng biking at swimming bonding nila. Sinisigurado din nila Jennelyn at Dennis na ipagdiriwang nila ang mga mahahalagang okasyon na magkakasama.

Ilan nga sa mga okasyon na ito ay ang pagcecelebrate nila ng Christmas at New Year na kasama ang kani-kanilang pamilya na makikita naman sa larawan na kanilang binahagi sa social media. Sinurpresa naman ni Jennelyn si Calix sa ika-13 nitong kaarawan noong nakaraang taon na may tema na basketball. Hindi naman nagpahuli si Dennis dahil sinurpresa din niya ang anak ni Jennylyn sa kanyang kaarawan kung saan ay nagdressed up ito kagaya ng paboritiong musical artist ni Alex na si Blippi. Mahilig din magbiking, workout at scuba diving sila Jennylyn at Dennis at kanilang sinasama sila Calix at Alex para na din magkaroon ang mga ito ng active lifestyle.

Nabigo man sila Jennylyn at Dennis sa una nilang pag-ibig ay nakahanap naman sila ng totoong pagmamahal sa isat-isa at sa kanilang mga anak.

COMMENTS