Cassey Legaspi, hinihinalang nililigawan ni Darren Espanto dahil sa flower bouquet na natanggap nito noong Valentine’s.


Cassey Legaspi, hinihinalang nililigawan ni Darren Espanto dahil sa flower bouquet na natanggap nito noong Valentine’s. Nang dahil sa cup noodl

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, had their Valentine’s dinner cooked by three little chefs!
Lalaking binigyan ng pekeng cellphone number, artista na pala ang ka-text at nakadate pa niya ito!
Magasawang nasa 90’s ang edad, ibinahagi ang sikreto sa masayang pagsasama at pagmamahalan.

May be an image of 2 people

Cassey Legaspi, hinihinalang nililigawan ni Darren Espanto dahil sa flower bouquet na natanggap nito noong Valentine’s.

Nang dahil sa cup noodles, ay nagkaroon ng kilig twitter-banter sina Cassey Legaspi, 20, at Darren Espanto, 19. Kahit ang mga fans ay inaabangan ang bawat kabanata ng reply ng bawat sa isa sa kanilang iniidolo.

Kasalukuyang naninirahan sa Canada ang kapamilya singer na si Darren Espanto at doon nagpapalipas ng pandemya. Nagsagawa ito ng poll noong February 10 na nagsasabing, “Pag mahal mo ang isang tao, ggawan m ba siya ng cup noodles pg humingi siya o, hindi, kasi sobrang dali lang gawin?” Nakalikom naman ito ng 14,000 votes at nangunguna ang option na, “Oo, ggawan ko siya.” Kabilang na rito ang ilang artista na kaibigan ni Darren.

Nasundan naman ito ng isa pang tweet mula rito na nagsasabing may gusto siyang ipunto sa poll na ginawa niya. Nagreply naman si Cassey sa tweet nito na, “I would in a heartbeat” at may cup noodles emoji pa.

Agad naman nagreact rito si Darren at all caps nagsabing, “NO, YOU JUST SAID U WOULDN’T.” Dumepensa naman ang Kapuso actress at sinabing, “I WAS JOKNG, OF COURSE I WOULD” na all caps rin.

Lumalabas na parang private joke ng dalawa ang tungkol sa cup noodles, at dahil rito ay nahahalata ang pagiging close nila. Nagkaroon rin ng haka-haka na maaaring si Cassey ang dahilan sa poll na ginawa ni Darren.

Noong February 11 naman ay nagtweet pa rin ang aktress na may kinalaman sa cup noodles. Aniya, “Good Evening everyone… Except for the guy who still thinks I wouldn’t make cup noodles for the person I love.” Humirit pa rin si Darren rito at nagsabing, “Fr real, that’s so sad. I feel bad for the guy.”

Noong February 14 naman ay nagpost si Cassey ng larawan na may hawak itong flower bouquet. Kasama rin sa mga larawan na pinost nito ay ang cup noodles na katabi ang flower bouquet. Nagiwan naman ng caption ang aktress ngunit wala parin pagamin kung sino ang nagpadala ng mga bulaklak. Subalit, may pasaring pa rin sa topic ng paggawa ng cup noodles para sa minamahal nila. May mga netizens na iniisip na ang pahiwatig ng cup noodles sa tabi ng bulaklak ay, ang pag amin ni Cassey ng nararamdaman sa nagbigay nito.

Tila mala-sherlock naman nagimbestiga ang mga fans at hinihinala nilang nagmula kay Darren Espanto ang mga bulaklak dahil nagpost ng short video si Cassey na nagpapasalamat sa four boxes ng pizza na ipinadala nito sa kanila. Makikita sa video na nasa hapag-kainan ang pamilya kasama ang pizza at ang flower bouquet na nasa background.

Nagpasalamat rin si Carmina sa pamamagitan ng pagpost nito ng video sa sariling account at sinabing, “Thank you, @darrenespanto youre so sweet.” Maraming netizens at fans ang kinilig sa gestures ng dalawa at gumawa na ng comined name para itawag sa ‘might-be’ couple, ang “CassRen.”

COMMENTS