Doktor na proud na anak ng magsasaka, naikwento ang pagsusumikap ng pamilya nito na mapag-aral siya.


Doktor na proud na anak ng magsasaka, naikwento ang pagsusumikap ng pamilya nito na mapag-aral siya. Bagamat lumaki sa simpleng pamummuhay, ay nagt

Ang nakakainspire na kwento ng OFW na nagsimula bilang yaya na ngayo’y isa nang abogado.
Ingleserong pulubi noon, namimigay na ng pagkain sa street dwellers ngayon.
Dalawang bata na namataang namimili ng damit upang ipangreregalo sa kanilang ina, kinahangaan ng netizens.

May be an image of 1 person, standing and outdoors

📷[left] credit: Arenz Docdocil [right] free image of a farmer

Doktor na proud na anak ng magsasaka, naikwento ang pagsusumikap ng pamilya nito na mapag-aral siya.

Bagamat lumaki sa simpleng pamummuhay, ay nagtataglay naman ng malaking pangarap para sa pamilya. Kasabay ng determinasyon at paghihirap ng mga magulang ay ang pagpupursige naman upang maabot ang mga pangarap. Tunay na kaysarap sa pakiramdam sa oras na makamit ang inaasam na tagumpay.

Ganoon na lamang ang tuwa at pagpapasalamat ni Arenz Jade C. Docdocil sa mga magulang nitong magsasaka. Nagtitiis sa init ng araw upang makapagtanim at ma-ani ang mga ito. Hindi rin biro ang hirap na pinagdaanan nila kabilang na rin ang pagsisikap ni Arenz upang makapagtapos ng pagaaral. Hindi rin biro ang tagal ng kanilang pagpupursige dahil bago maging doktor ay walong taong pagaaral ang kailangan nitong pagdaanan.

Nakwento nito ang kanyang buhay sa isang post. Ayon rito ay batid nito ang hirap na dinanas ng kanyang magulang upang maikayod ang kanyang pagaaral. Kahit umano aso ay binenta na ng magasawa upang may pang tuition ang anak. Gusto man suportahan ng mga magulang nito ang pagngarap na maging doktor, ay nananatili ang katotohanan na maliit lamang ang kita ng mag-asawa.

Subalit hindi ito naging hadlang upang sumuko sa pangarap, sinubukan pa rin ni Arenz na mag-apply sa Mindanao State University at pinalad namang makapasa.

Hindi man kamahalan ang tuition fee sa MSU-COM ay magastos naman sa mga kinakailangan na gamit pang medisina. Todo suporta naman ang mga magulang nito at ang tanging safety net sakaling hindi na kayang tustusan ang pagaaral ay ang sinami ng lolo nito noon. Ayon umano sa lolo nito ay ibenata na lamang ang bukid basta mapag-aral siya dahil hindi naman ito marunong magsaka.

Malaki ang pagpapasalamat nito sa kanyang mga magulang at sa lola nitong tumutulong makapagipon kahit matanda na. Ngunit para rito ay hindi pera ang pinakamahalagang ibinigay kundi ang pagmamahal at suporta nila sa kaniya.

Naging malaking tulong rin ang pagiging iskolar ni Arenz sa unibersidad na pinili nito. Isang inspirasyon ito sa mga kababayan natin na nawawalan ng pag-asa abutin ang pangarap nang dahil sa hirap ng buhay. Basahin ang buong post niya rito.

COMMENTS