Paano nga ba nagsimula ang pag-iibigan nila Sofia Andres at kasintahan nitong si Daniel Miranda.


Paano nga ba nagsimula ang pag-iibigan nila Sofia Andres at kasintahan nitong si Daniel Miranda. Isa sa mga pinaguusapang magkasintahan ngayon

Isang buwan nagpropose ang isang lalaki sa minamahal nito nang pasikreto!
Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.
Kilig Story sa Tinder: British, lumipad pa-Malaysia para pakasalan ang babaeng nakilala sa ‘Dating App’.

May be an image of 4 people

Paano nga ba nagsimula ang pag-iibigan nila Sofia Andres at kasintahan nitong si Daniel Miranda.

Isa sa mga pinaguusapang magkasintahan ngayon ay sila Sofia Andres at Daniel Miranda. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami kung paano nga ba nagsimula ang kanilang love story.

Sa isang panayam kay Sofia kasama si Erich Gonzales ay ibinahagi nga ng aktres kung paano nabihag ng isang Daniel Miranda ang isang tulad nyang walang interes sa pakikipagrelasyon sa mga panahong iyon at isang party goer.

Sinabi nyang 17 years old daw sya ng una nyang makilala si Daniel sa isang bar, ayon sa kanya, “Party girl ako that time so yun nameet ko sya sa the fort.” Nang mga panahong iyon daw ay hindi daw talaga inaasahan ng aktres na pumasok sa isang relasyon.Ibinuking pa ni Sofia na may pagkatorpe at mahiyain nga itong si Daniel sapagkat pinsan pa nito ang naging tulay upang silay magkakilala. Pagpapatuloy pa nya “So yun na meet ko sya. May kumalabit saken.

Cousin nya pala sabay sabing “My cousins find you pretty” nasagot na nga lang daw ni sofia ng “Ahh.okay” ito gawa ng may tama nadin sya ng alak ng oras na iyon. Nagawa pa nga raw magpakuha ng picture nito sakanya na kanya namang pinagbigyan. Naisip nya na hindi aware ang mga ito na isa syang artista sa pilipinas.

Dagdag pa ng The Pusong ligaw star na sobrang tyaga nga daw ni Daniel sapagkat inaantay daw sya nito hanggang alas tres ng madaling araw para bigyan ng tubig instead of alcohol. At sobrang napahanga daw si Sofia rito isama pa ang looks ni Daniel na saad nga ng aktres ay nacutan din daw sya. Inamin din nya na fake ang binibigay nyang numero sa mga nanghihingi ng number nya at kay Daniel nya lang daw ibinigay ang totoo nyang numero at dun na nga daw nagsimula ang lahat. Siya rin pala ang First girlfriend ng binata kaya naman talagang mahiyain ito.

Matatandaang isinapubliko ni Sofia ang kanilang relasyon noong taong 2018. Malaki nga daw ang naitulong ni Daniel kay Sofia from Party goer to stay at home girl nalang. Ika pa ng aktres” Tapos na ako sa mga ganung bagay, at kaya ko palang magstay lang sa bahay”. Mas naging masaya pa ang kanilang pagsasama nung dumating sa buhay nila ang kanilang anak, inanunsyo ito ng aktres taong 2020 buwan ng Hunyo.

Kasa-kasama na nila itong mag out of town na sya namang kinaaaliwan ng sobra ngaun ni Sofia sapagkat itinuro sakanya ng kanyang partner na ito ang mas adventurous na gawin at mas naienjoy nya ang magstay ngayon sa bahay kasama ang kanyang napakacute na anak.

 

COMMENTS