Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito.


Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito. Isang kwento muli ng tagumpay ng

Estudyanteng nagbebenta ng snacks sa eskwelahan upang may pang tuition, proud graduate na!
Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.
Ang nakakainspire na kwento ng OFW na nagsimula bilang yaya na ngayo’y isa nang abogado.
May be an image of 2 people

📷credit: Crystalle Mae Manalo

Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito.

Isang kwento muli ng tagumpay ng isang estudyante na sa kabila ng payak na pamumuhay, ay nakapagtapos at nakapasa ng board exams. Hindi masusukat ang ligaya na nararamdaman ng pamilya ni Crystalle Mae Manalo matapos nitong makapasa sa board exams at naging ganap na engineer.

Estudyante si Crystalle ng San Juan de Letran sa Calamba at nakapagtapos ng BS Mechanical Engineering. Rito ay nakatanggap ito ng “Academic Excellence Awardee” at pinalad rin ito na makapasa sa Engineering board exam.

📷credit: Crystalle Mae Manalo

Bagamat tagpi-tapi ang bahay ay proud na inilagay ng pamilya ni Crystalle ang tarpaulin na nagsasaad ng kanyang tagumpay. Sa bawat pagsubok na kinaharap ni Crystalle ay patuloy na sumusuporta ang pamilya nito na siyang naging lakas at inspirasyon nito. Tunay na mahirap ang buhay kaya naman ay kailangan talaga gamitan ng lakas ng loob at pagpupursige upang makamit ang mga pangarap.

📷credit: Crystalle Mae Manalo

Pagbabalik tanaw ni Crystalle, ay nagaalangan umano ang lola nito na isabit ang kanyang tarpaulin sa labas ng kanilang simpleng tahanan. Saad pa ng Ina nito ay, “Ok lang kaya yan na sa barong-barong natin ilagay yang tarpaulin mo? Makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin.”

Bagamat hindi man masyon ang labas ng kanilang bahay ay alam ni Crystalle na ito ang buong pagod na itinayo ng kanyang pamilya upang magsilbing proteksyon sa bagyo o sakuna. Hindi niya kinakahiya ito dahil alam nito na ginawa ng pamilya nito ang makakaya upang makapagpatayo ng bahay. Kaya naman ang sagot nito sa Ina ay, “Nay yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat, Nay … sa lahat.”

Sa panayam ng Buzzoks kay Crystalle, saad nito, “Yun po nasa picture, tinitirhan namin ng lola ko at hindi ko kinakahiya yun… Marami po ako kaklase na nagpapasalamat sa akin at doon sa puting lamesa na nasa picture… marami na po kasi ako natutoran doon. Gawain ko po kasi turuan yung mga kaklase ko na medyo nahihirapan sa klase.. doon rin po namin nagawa thesis namin.” Naging scholar rin si Crystalle at nagpursige na mapanatili ito upang mabawasan ng ilang posyento ang matrikula. Humanga naman ang netizens dahil isang mabuting anak at tunay na proud ito sa kinalakihang estado sa buhay. Saludo kami sa iyo Ms. Crystalle.

 

 

COMMENTS