Pambihirang Ganda at talino ng isang Pinay nagpahanga sa maraming Netizen


Pambihirang Ganda at talino ng isang Pinay nagpahanga sa maraming Netizen Sa panahon natin ngayon laging sinasabi na lamang ang may alam, eh pa

Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California.
Kapalaran ng isang parking boy, nabago nang dahil sa ginawa nitong kabutihan at katapatan.
Filipino who used to work as a janitor, now owns a restaurant in Australia.

Pambihirang Ganda at talino ng isang Pinay nagpahanga sa maraming Netizen

Sa panahon natin ngayon laging sinasabi na lamang ang may alam, eh paano kung hindi lang basta may alam kundi complete package pa Maganda na Matalino pa. Ating Kilalanin si April Cristelle T. De Leon labing anim na taong gulang na tiga lingayen Pangasinan.

Si April ay nagviral dahil sa kanyang 200 na medalya mula sa kanyang sipag at tyaga sa pag aaral ilan sa mga medalyang ito ay ang mga tagumpay na nakamit nya buhat sa mga school competition, academic achievements mga aktibidad na sinalihan nya sa paaralan pati na rin sa pagsali nya sa mga pageant.

đź“·credit: April Cristelle De Leon Facebook

Tunay ngang matuturing na Beauty with brain si April sapagkat hindi lang pag aaral ang kinareer nya pati ang pagsali sa pageant ay talagang pinasok nya ilan sa mga napanalo nya ay Lakambini ng Wika, Miss A, Miss United Nations and Miss Earth. Hindi lang yan si April ay laging nangunguna sa klase mula nung Grade 1 hanggang Grade 10.

đź“·credit: April Cristelle De Leon Facebook

Natapos nya ang kanyang Elementarya na sya ang Valedictorian. At nung sya ay nasa junior highschool ay sya lang ang bukod tanging nakakuha ng mataas na karangalan dahil sa kanyang average grade na 98-100. Kamangha-mangha talaga ang pinakitang talino ng dalagita kaya madami ang posibleng humanga sakanya. Magiging inspirasyon sya ng karamihan na tulad nya ay nagsusumikap din mag aral upang makakamit ng inaasam na karangalan.

Sa Post nga ni April ay sinabi nyang “I posted po kasi hindi ko na sila madadala dito sa chicago, I posted din po kasi wherever I may go they will serve as a reminder that there was a time in my life that I have received those achievements.”Sinabi nya rin na kung ano man daw karangalan at medalyang meron sya ay bunga daw yun ng kanyang sipag at tyaga, determinasyon sa pag aaral na kahit na andun ang hirap ay nagpatuloy sya upang matapos kung ano man ang kanyang nasimulan.

Si april at ang kanyang ama ay lilipad na papuntang Illinois, Chicago upang sumunod sa kanyang Ina at kapatid na lalaki na nauna nang bumiyahe sakanila papunta dun. At bago nga ang nasabing paglipad ay sinabi ni April na “These memories will forever be treasured and will always be with me wherever I go. Goodbye Lingayen, Pangasinan”.

Sa pagbabahaging ito ni April ay maraming netizen ang napawow, marami din tiyak ang lalong magpupursigi sa pag aaral. Samahan lang ng sipag at tyaga at tiyak darating ang oras at panahon na aanihin mo din katulad ni april ang iyong pinagsikapan.

 

COMMENTS