Pagkakaron Ng kapansanan ng isang Ama, Hindi naging hadlang sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.


Pagkakaron Ng kapansanan ng isang Ama, Hindi naging hadlang sa pagtataguyod sa kanyang pamilya. Natural na sa ating mga pilipino ang pagiging m

KZ Tandingan, proud na kantahin ang “Gabay”, na kauna-unahang Tagalog OST mula sa Disney.
Viral story ng mag childhood friends na nagkahiwalay, at muling nagtagpo nang dahil sa Tiktok.
Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.

May be an image of 2 people, child, people sitting, motorcycle and outdoors

Pagkakaron Ng kapansanan ng isang Ama, Hindi naging hadlang sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.

Natural na sa ating mga pilipino ang pagiging maawain, walang batayan o sukatan ito ano mang antas ng buhay meron tayo. Nito nga lang isang concern netizen ang nagpost ng larawan ng isang ama na may kapansanan ngunit sa kabila nito ay nagagawa paring magtrabaho upang mabuhay at mapunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Sa nasabing larawan ay makikita ang ama na naghahanap buhay kasa-kasama ang anak nito sa likuran. Pinatunayan ni George na tiga Tiaong, Quezon isang Pwd na hindi hadlang ang pagkakaroon ng kapansanan para hindi na nya maitaguyod ang kanyang pamilya, Hindi ito rason upang hindi nya mabigyan ng pang araw araw na pangangailangan ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak.

May be an image of 1 person, child, motorcycle and outdoors

Inilahad ni George kung paano nagsimula ang kanyang kapansanan na nag-ugat lamang sa simpleng lagnat. Ayon sa kanya ay bata pa lamang daw sya ng iwan sya ng kanyang ina sa bangka mapalad nalang daw sya at nakita siya ng kanyang lola na siyang kumupkop at nagpalaki sakanya. Hanggang sapitin nya ang edad na 7 o 8 taong gulang ng biglang sumulpot ang kanyang ama upang siya ay kuhanin. Ayaw man daw ng kanyang lolo at lola ay wala itong mga nagawa dahil nagpupumilit ang kanyang ama.

Nang makarating na daw siya sa lugar ng kanyang ama. Dun nya nalaman na may sariling pamilya na pala ito. Mayroong maliit na hanapbuhay pero hindi sapat na siyang naging dahilan upang maagang magtrabaho si George. Tutol daw ang kanyang ama sa kanyang pag aaral noon, marahil sa hirap nga ng buhay. Kaya ang ginawa daw ni George ay pinagsabay nya ang pag aaral at pagtatrabaho.

May be an image of 1 person, fruit and outdoors

At dahil nga sa kasipagang yun ni George ay bumigay ang kanyang katawan. Nagkaroon sya ng lagnat na nagpabalik- balik halos isang taon din itong ininda ni George. Nguni dahil nga sa kawalan ng pera ay hindi na siyang nagawang ipatingin man lamang sa hospital. Hanggang sa isang araw daw ay nawalan nalang daw ng pakiramdam ang kanyang mga paa at yun na nga daw ang naging simula ng kanyang pagiging baldado.

At dahil nga sa larawang ito ni George ay madami ang naantig at bumilib sa kanyang dedikasyon bilang ama ng tahanan. Pinatunayan nya lang na hindi hadlang ang kapansanan nya upang matawag kang isang responsableng ama. Saludo kami sayo George!

 

COMMENTS