Bb. Pilipinas Candidate ibinihagi ang kanyang Buhay bilang isang dating Pili PUI at Pagiging tindera ng Fishball at kikiam sa gitna ng Pandemya


Bb. Pilipinas Candidate ibinihagi ang kanyang Buhay bilang isang dating Pili PUI at Pagiging tindera ng Fishball at kikiam sa gitna ng Pandemya

Ina ni Sanya Lopez, naiintriga sa tunay na relasyon ng kanyang anak kay Gabby Concepcion!
Regine Velasquez, binalikan ang performance nito kasama ang 98 Degrees, dalawang dekada na ang lumipas.
BLACKPINK’S Jennie tours fans to her luxurious house in her first YouTube video.

Bb. Pilipinas Candidate ibinihagi ang kanyang Buhay bilang isang dating Pili PUI at Pagiging tindera ng Fishball at kikiam sa gitna ng Pandemya

Nang idineklara ang pagkalat ng Covid 19 sa bansa. Libo- libong trabahador ang nawalan ng trabaho. Kanya kanyang diskarte ang ginawa ng mga Pilipino upang makasurvived sa pang araw-araw na gastusin. Isa na dito ang Bb. Pilipinas Candidate na si Ms. Kimberly anne Tiquesques.

Ating kilalanin ang naging buhay nya bago pumasok sa pagiging Bb. Pilipinas Candidate. Si Ms. Kimberly ay taga Balagtas, Bulacan. Isa siya sa mga kandidato ng Binibining Pilipinas. At sa kanyang Introduction Video para sa nasabing kumpetisyon ay buong pagmamalaking ipinahayag ni kimberly ang kanyang buhay na kinagisnan.

Hindi nya ikinahiya na galing siya sa isang mahirap na buhay na siya namang hinangaan ng maraming netizen. Kasama sa mga naantig sa kanyang video ay sina 2018 Miss universe Catriona Gray at 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves.

Ikinuwento pa ni Kimberly na lumaki sya sa isang broken family kasama ang kanyang ama at dalawang nakababatang kapatid. Siya ang panganay sa magkakapatid kaya bata pa lamang daw sya ay nasabak na siya sa pagtatrabaho. Kahit menor de edad pa siya ng mga panahong yun ay hindi ito naging hadlang para makakuha siya ng trabaho sapagkat hindi ito halata dahil sa kanyang katangkaran.

Nagsimuala daw siyang magtrabaho sa edad na labing anim na taong gulang sa mga fast food chain. At dahil nga sa hirap ng buhay bukod sa pagiging service crew ay nagsaside line pa daw sya bilang isang modelo at usherette sa Bulacan at maging sa Manila. At dahil nga dun ay pati mga beauty contest ay sinalihan na nya.

Ika pa nya “So syempre dapat push padin yung pangarap”. Nagworking student din daw sya ngunit napilitan daw siyang huminto sa pagtatrabaho dahil sa kanyang OJT na mas mahalaga ng mga panahong iyon. Hanggang sa makatapos nga daw sya sa pagaaral ngunit mas pinili nyang huwag na muna magtrabaho at ipursue ang pagsali sa mga beauty contest na sya talagang pangarap nya.

Tinanghal nga si kimberly na Binibining Bulacan hanggang sa marating nya ang pagsali sa Binibining Pilipinas. Ngunit Nito lamang Marso 19, 2020 kung saan kasagsagan ng Covid19 ay biglang sumama ang pakiramdam ni kimberly. Nang pumunta sya sa Municipal health upang magpatingin ay dineklara agad siyang PUI o (person under investigation).

Isa daw ito sa hindi nya malilimutang pangyayari sa kanyang buhay. Halos isang buwan din daw siyang dumaan sa matinding pag-aalala tungkol sa kanyang kalusugan at pamilya. Ika pa nya “Thankfully naman andun yung family ko, mga kaibigan ko mga nagmamahal saken kaya naging okay naman ang lahat.”

Hindi nya rin ikinahiyang sabihin na nagtitinda sya ng mga street foods para kahit papaano ay magkaroon ng kita sa gitna ng pandemya. Sabi pa nga nya “Naisip kong magtindera, nagtitinda ako ng fish ball at kikiam. Binalikan ko yung ginagawa ko nung highschool pa ako, need ko talaga ng income para makatulong sa aking pamilya.kailangan malagpasan natin to!.” At dahil nga sa viral video na ito ni kimberly ay madaming netizen ang naantig ang damdamin para sa dalaga.

Nais ng dalaga na magsilbing inspirasyon ang kwento nyang ito sa mga taong nawawalan na ng pag asa at pinanghihinaan na ng loob. Wika pa nga nya “Dapat push pa rin ang pangarap, na kahit ano yung pinagdaanan mo sa buhay, kailangan patuloy kang lumaban. Kasi yung laban na to ngayon, hindi lang sayo eh, sa pamilya mo, lalo’t higit dun sa mga kapatid mo, kapatid ko, na dahilan kung bakit talaga ako nagpupursige sa buhay ko.” Tunay ngang ang kwentong ito ni Ms. Kimberly ay naghatid ng aral at inspirasyon sa maraming tao.Sabi nga Habang buhay may pag asa kailangan lang natin magtyaga at manalig sa diyos upang tayoy magtagumpay.

COMMENTS