AGE IS JUST A NUMBER: Mga sikat na mag-asawang artista na nagmamahalan sa kabila ng kanilang malaking age gap.


AGE IS JUST A NUMBER: Mga sikat na mag-asawang artista na nagmamahalan sa kabila ng kanilang malaking age gap. Pagdating sa ‘pag-ibig’, hindi b

Filipino man who frequently gets rejected, found love in a beautiful Lithuanian girl
Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.
Lola na nangongolekta ng seafood sa dagat, pursigido dahil sa anak nitong may sakit.

Vicki Belo and Hayden Kho set their wedding!

AGE IS JUST A NUMBER: Mga sikat na mag-asawang artista na nagmamahalan sa kabila ng kanilang malaking age gap.

Pagdating sa ‘pag-ibig’, hindi basehan ang estado, hitsura at edad. Sadyang puso at damdamin ang mangunguna. Sasamahan na lamang ito ng desisyon kung ang pag-iibigan ninyo ay pang-‘forever’. Kahit ang mga kilalang personalidad sa bansa ay nagmahal ng walang paghuhusga at limitasyon. Narito ang mga celebrities na may malaking age gap at masayang-masaya sa kanilang mga asawa.

Freddie Aguilar suggests Qur'an spared three bedrooms in fire that razed home

📷credit: Freddie Aguilar FB

Freddie Aguilar and Jovie Albao

Inulan ng kontrobersiya ang pagmamahalan ni Freddie Aguilar at Jovie Albao dahil na rin sa kanilang 44 years age gap. 60 taong gulang na si Freddie Aguilar nang pakasalan nito ang 16-year old na si Jovie Albao. Bagamat nahirapan sa una ang dalawa sa paglantad ng kanilang relasyon, ay natigil rin ito matapos magpakasal ng dalawa na isang Mulsim Wedding.

📷image source: ABS-CBN news

Dolphy and ZsaZsa Padilla

Hindi nagpatalo ang comedy king na si Dolphy sa paghahanap ng kanyang iibigin. Minsan na nitong biniro na nagmahal na ito mula A-to-Z, at Z bilang si Zsa Zsa Padilla. May 35 years na agwat ang dalawa ngunit kitang kita ang matibay na pagmamahalan ng dalawa hanggang sa pumanaw si Dolphy.

📷image source: Philnews

Vic Sotto and Pauleen Luna

Mayroong age difference na 34 years sa edad ang dalawang Eat Bulaga host. Bagamat parehong nasa industriya ng showbiz ay hindi nila naiwasang makatanggap ng batikos sa pagkakalayo ng kanilang edad. Gayumpaman ay nagcocomplement ang isa’t-isa bilang mag-asawa at magulang sa anak nilang si Tali.

📷image source: ABS-CBN news

Ai Ai Delas Alas and Gerald Sibayan

Kilala si Ai Ai bilang comedy queen sa industriya ng showbiz. Kaya naman nang inanunsyo nito ang kanyang engagement kay Gerald Sibayan ay tinanggap naman ito ng madla. Sila ay may 30 years na agwat sa edad ngunit nananatili ang kanilang matibay na pagmamahalan.

 

Vicki Belo and Hayden Kho set their wedding!

📷image source: Hayden Kho’s Instagram

Vicki Belo and Hayden Kho

25 years ang agwat ng sikat na dermatologist na si Vicki Belo at artistang si Hayden Kho. Naging mahirap rin noong una ang kanilang relasyon, na nauwi sa hiwalayan. Subalit mukhang tinadhana talaga ang dalawa. Kinasal ang sila sa Paris na isa sa pinakamagandang kasalan sa taong iyon. Biniyayaan ang dalawa ng anak na si Scarlet Snow Belo.

📷image source: Assunta Ledesma Instagram

Jules Ledesma and Assunta de Rossi

Mas matanda si Jules Ledesma ng 22 years kaysa kay Assunta. Naging pribado ang love story ng dalawa noong una. Nagkaroon nga lang ng pagtanggi sa pamilya ni Assunta sa panandaliang panahon. Matapos magka-ayos, ay smooth sailing na ang love story ng dalawa hanggang sa ikasal sila noong 2002. Sa ngayon ay going strong ang dalawa sa kanilang relasyon.

Gretchen Barretto and tycoon Tony Boy Cojuangco.

📷image source: Gretchen Barretto Instagram

Tonyboy Cojuangco and Gretchen Barretto

Sikat na negosyante si Tonyboy Cojuangco at may 19 years na age gap sa asawa nitong si Gretchen Barretto. Sa kabila ng pinagdaanan ng dalawa ay nagwagi ang pagiibigan nila. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na si Dominique na ngayon ay 23 years old na.

Another child for Mariel & Robin | Philstar.com

Robin Padilla and Mariel Rodriguez

Bagamat 15 years ang agwat ng kanilang edad, ay nagawa nilang paulanin ng kilig ang isang noontime show noong nagliligawan pa lamang sila. May mga tumutol sa kanilang relasyon subalit nalampasan din nila ito lalo na’t may mga fans ang dalawa na approve sa relasyon ng dalawa. Going strong din ang mag-asawa at mayroon nang dalawang anak.

📷image source: Heart’s Instagram

Chiz Escudero and Heart Evangelista

Katulad ng ibang mga nabanggit ay inulan ng kontrobersiya ang relasyon nila Chiz Escudero at Heart Evangelista. Nasa politics ang karera ni Chiz Escudero habang sa industriya ng showbiz si Heart Evangelista. Tumutol noong una ang mga magulang ni Heart sa relasyon nila ngunit nagka-ayos rin. Bagamat 15 years ang agwat ng dalawa ay hindi maitatago ang matatamis na tinginan ng dalawa at pag-iibigan nila.

[Image Credit: PEP]

📷image source: PEP.ph

Ralph Recto and Vilma Santos

Tulad nila Heart at Chiz, ay parehong karera ang tinatahak nila Vilma Santos at Ralph Recto. Bagamat nahirapan rin sa umpisa dahil sa kanilang 10-year age difference, ngayon ay isa sila sa tinitingalang personalidad sa showbiz at sa mundo ng pulitika.

[Image Credit: GMA News Network]

📷image source: GMA news network

Rocky Slumbides and Eula Valdes

Hindi itinanggi ni Rocky na nagkaroon ng punto sa kanilang pagsasama na sinabihan siya ni Eula na maghanap ng babaeng kasing edad nito. Ngunit tila walang magawa si Rocky dahil talagang si Eula ang sinisigaw ng puso nito. Mas bata si Rocky ng 12 years kaysa kay Eula ngunit hindi naman halata sa mukha ng aktress ang edad nito.

 

Nakakabilib ang mga kwento ng kanilang pag-iibigan. Tunay na nagwawagi ang pag-ibig hangga’t nasa tama at ipinaglaban ito.

COMMENTS