‘Best Island in the World’ ang ipinarangal sa Palawan noong 2020. Boracay nasa 14th spot.


‘Best Island in the World’ ang ipinarangal sa Palawan noong 2020. Boracay nasa 14th spot. Marami pa din ang nabibighani sa Palawan Island dito

Kakaibang Pink Beach at magandang isla, sa Pilipinas pala matatagpuan.
Edu Manzano, pinandigan na hindi siya sasakay ng Cebu Pacific hangga’t hindi tinatanggal ang isang Piloto nang-insulto umano kay VP Leni.
“Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito.
Palawan, Philippines

Palawan. 📷 Image source: Getty Images

‘Best Island in the World’ ang ipinarangal sa Palawan noong 2020. Boracay nasa 14th spot.

Marami pa din ang nabibighani sa Palawan Island dito sa Pilipinas at kinilala ito ng isang international travel magazine at website. Pinarangalan na ‘Best Island in the World’ ang Palawan sa ika-apat na pagkakataon at sa parehong titulo. Ibinigay rin ang parangal sa naturang lugar noong 2013, 2016 at 2017.

Palawan, Philippines

Palawan. 📷 Image source: Getty Images

Tumatayo sa pangalawa at pangatlong pwesto ang Greek islands na Paros at Milos. Nakuha naman ng Sri Lanka ang pangapat na pwesto at ang Koh Lanta Island ng Thailand ang nakatayo sa pang limang pwesto. Ang Mauritius ay No. 6, ang Anguilla naman ay nasa No. 7 at ang Langkawi Island ng Malaysia ay nasa top 8. Ang iconic island ng Italy na Sicily ay nasa top 9 at ang Galapagos Island sa Ecuador ang nasa ika sampung posisyon.

Ayon naman sa nasabing travel magazine ay isa sa nakakabilib na katangian ng Palawan ay ang kanyang ‘dramatic sea levels’ kasama ang mga bundok nito. Ayon rin dito, ang lupain at tanawin ay ‘gorgeous’.

Palawan, Philippines

Palawan. 📷 Image source: Getty Images

Hindi na bago sa pandinig natin ang pagkilala sa Palawan ng mga dayuhan o turista dahil totoo namang napakaganda ng lugar na ito. Magagandang rock formations, malinaw na dagat, mga coral reefs, malawak na kagubatan, natural resources at syempre ang mga palakaibigan na Pilipinong nakatira rito.

Palawan, Philippines

Palawan. 📷 Image source: Getty Images

Mas nakilala ang Palawan matapos nagkaroon ng rehabilitation period sa lugar lalong lalo na sa El Nido at Coron. Ikinatuwa naman ng maraming residente ang pagkilala sa kanilang lugar sa kabila ng matinding pagsubok na dala ng pandemya. Isa rin sa nagcelebrate ay ang Department of Tourism (DOT) sa karangalang natanggap ng Palawan. Tunay na isang paraiso ang islang ito sa buong mundo.

Hindi lamang Palawan ang nasa listahan ng Travel + Leisure magazine kundi pati ang white sand beach na ‘Boracay’. Nabalita sa buong mundo ang rehabilitation period nito na pinangunahan ni Presidente Duterte. Tunay na nag pay-off naman ang initiative ng gobyerno dahil mas lalong gumanda ang lugar at naka top-14 sa listahan ng nasabing magazine.

COMMENTS