Derek Ramsey, nararamdaman na si Ellen Adarna na ang kanyang “the one”.


Derek Ramsey, nararamdaman na si Ellen Adarna na ang kanyang “the one”. Pagkalipas ng ilang araw matapos ianunsyo sa publiko ang kanilang relas

Indonesian Surfer at Napakagandang British Girl na may nakakakilig na love story.
Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.
Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay.
May be an image of 3 people and indoor

📷image source: Ellen Adarna’s Instagram and Derek Ramsey’s Instagram

Derek Ramsey, nararamdaman na si Ellen Adarna na ang kanyang “the one”.

Pagkalipas ng ilang araw matapos ianunsyo sa publiko ang kanilang relasyon, ay inamin naman ni Derek Ramsey na kumbindiso itong si Ellen Adarna na umano ang babaeng kanyang pakakasalan.

Para sa kanya ay na-“blindside” siya umano sa kanyang nararamdaman nang makilala niya ang aktress. Marahil ito ay dahil ilang buwan pa lamang ang lumipas matapos na humantong sa hiwalayan ang isang taong relasyon nila ni Andrea Torres. Kumbaga, ay nagpapahilom pa ito ng kanyang puso nang muli itong tumibok sa aktress na si Ellen Adarna.

Sa isang panayam ni Derek sa Mega magazine nitong lunes, ay naikwento nito na bago pa man lumabas ang isyu sa kanilang dalawa ay naka-“blind date” niya umano si Ellen Adarna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Ayon kay Derek ay naging maganda ang kanilang blind date. Nagkataon umano na nakita nila sa restaurant kung saan sila kumakain ni Ellen Adarna, si Ruffe Gutierrez. Ito umano ang nagsuggest na maghost si Derek ng house party dahil magkakalapit lang naman ang mga bahay nila.

Dumating na nga ang araw ng kanyang party, at doon ay nakilala ni Ellen ang tatay ni Derek. Kwento ni Derek, karamihan ng mga babae ay nahihiya sa ama nito na nagiging ‘prim and proper’. Ngunit iba ang trato ni Ellen sa Ama nito, “She was herself, and that’s what made the evening really, really wonderful.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Dito na umano nagsimula ang pagusbong ng damdamin ni Derek na pinilit nito umanong iwasan. Ayon sa aktor masaya siya pag kasama ito, “I tried to put it out but, she is just so fun to be around & it was just, fun. Every day, it’s just even more fun.”

Mula roon ay lalo lamang umano lumalaki ang pagtingin niya sa dalaga kahit na iniiwasan niya ang nararamdaman. “I feel like I’m not telling myself to be in love. It’s from my head down to my toes.” Kwento ni Derek, na iyon rin daw ang nararamdaman ng ama nito sa ina niya. Na para bang wala nang ibang babae na makapagbibigay sa kanya ng ganung pakiramdam.

“I think she’s the one” saad ni Derek sa interview, “My heart tells me if I don’t follow through with this one, I’ll regret it.”

COMMENTS