Lola na nangongolekta ng seafood sa dagat, pursigido dahil sa anak nitong may sakit.


Lola na nangongolekta ng seafood sa dagat, pursigido dahil sa anak nitong may sakit. Ilang taon man ang lumipas, ang isang Ina ay mananatiling

Epic Fail ang sorpresa ng magjowang LDR sa isa’t isa, at nagviral dahil sa nakakatawang resulta nito.
Viral ang pagiibigan ng magkasintahan na nagsimula sa unang… kopyahan?!
Lalaking binigyan ng pekeng cellphone number, artista na pala ang ka-text at nakadate pa niya ito!

📷image source: Life Feed

Lola na nangongolekta ng seafood sa dagat, pursigido dahil sa anak nitong may sakit.

Ilang taon man ang lumipas, ang isang Ina ay mananatiling isang Ina hanggang sa hangganan ng buhay nito. Lahat ay gagawin nito para sa anak sa kabila ng hirap o pagsubok sa buhay. Ganun ka priceless ng pagmamahal ng isang Ina sa kanyang anak kaya naman ay talagang hindi ito mapapantayan ng kahit ano pa man.

Isang matandang ginang ang namataang oras oras nang nasa tubig dagat upang kumuha ng seafood. Siya si nanay Nguyen Thi Ro, 85 anyos na ginang na nakatira sa Vietnam. Matagal nang namayapa ang kanyang asawa at ang tanging pamilya niya ay ang kanyang 61-anyos na adopted child. Sa kabila ng edad ni nanay Nguyen Thi Ro ay nagsusumikap ito araw araw na mangolekta ng mussels, cockels at iba pang shell fish upang may pang gastos sa pang araw-araw nilang mag-ina.

📷image source: Life Feed

Maaga nagpupunta sa dagat si lola Nguyen Thi Ro upang mas maraming oras umano ang magugol nito sa pangongolekta ng shell fish. Bagamat magdamag nakababad sa tubig ay iniwawalang bahala na lamang ng ginang ang maduming tubig at kati-kati sa katawan. Pagka koleta nito ng mga shell fish ay itinitinda ito ng matanda. Ang maiiwan na hindi mabebenta ay ipinapakain nito sa anak.

📷image source: Life Feed

Kinakailangan umao ni lola Nguyen Thi Ro ng pera pang bili ng gamot sa anak kaya naman ay pursigido ang matanda sa napiling pagkakitaan. Madalas naman napapansin ng mga residente ang matanda at sinusuportahan na lamang ito sa pagbili ng mga panindang shell fish. Malaking pasasalamat naman ni lola sa mga bumibili sa kaniya dahil may pambili na umano ito ng pangangailangan nilang mag-ina. Alam ng marami sa kanilang lugar kung gaano ka sipag si lola Nguyen Thi Ro kaya naman ay kilala na rin siya sa kanilang lugar.

Tunay na ulirang ina ang ginang na ito at talaga naman makikita ang pagmamahal nito sa kanyang anak sa kabila ng kahirapan at pagsubok na pinagdadaanan nito araw-araw.

COMMENTS