Mga Pinoy Celebrities na may nakakabilib ang transformation noong 2020.


Mga Pinoy Celebrities na may nakakabilib ang transformation noong 2020. Maraming pagbabago ang nangyari noong 2020 na karamihan sa ati’y ayaw n

Naaalala nyo pa ba si Donita Rose? Isa na siyang corporate chef sa America.
Lolit Solis, binulgar ang ginawang pangungutang sa kanya ni Mark Herras upang ipambili ng gatas ng anak nito.
Anak ni Lolit Solis, hindi na nakapagpigil na pagsabihan ang ina matapos nitong batikusin na lang lagi ang singer-actress na si Angeline Quinto.

May be an image of 4 people, people standing and outdoors

Mga Pinoy Celebrities na may nakakabilib ang transformation noong 2020.

Maraming pagbabago ang nangyari noong 2020 na karamihan sa ati’y ayaw nang balikan. Ngunit mayroon din mga pangyayari na nakapagbigay sa atin ng saya o kaya naman ay kompiyansa na harapin ang hinaharap. Katulad na lamang ng mga nakakabilib na transformation ng mga kilalang personalidad sa showbiz. May mga ilan na talagang napa-wow ang mga netizens at naging inspirasyon ng ilang Filipino. Narito ang ilan sa kanila.

May be a closeup of 2 people and people standing

JANINE BERDIN

Marami ang namangha sa transformation ng ‘Tawag ng Tanghalan’ winner, Janin Berdin matapos nito pakulayan ang kanyang buhok ng napakagandang kulay. Naging usap-usapan ang bagong look ni Janine noong 2020 at hindi madaling malilimutan ng marami lalo na’t may mga ilan na ginaya ang kanyang gorgeous hairstyle.

May be an image of 2 people and people standing

XYRIEL MANABAT

Ang child star na si Xyriel Manabat ay nagtrending rin noong 2020 dahil lumaki ito bilang isang napakagandang dalaga. Kung matatandaan, si Xyriel ang gumanap bilang batang Anna Manalastas sa ‘100 Days to Heaven’ at dito ay makikita na napakagaling na aktres nito. Siya ay 16 years old na ngayon at kasalukuyang nagfofocus sa pag-aaral.

May be an image of 2 people, people standing and indoor

ALDEN RICHARDS

Umani ng napakaraming fans si Alden Richards hindi lamang sa talento nito sa pag-arte kundi pati na rin sa napakagwapong mukha nito. Subalit, hindi naiwasang may mga nagkomento ukol sa kanyang pangangatawan. Matatameme ngayon ang bashers ni Alden dahil mayroon nang abs ang kapuso actor.

May be an image of 2 people and people standing

ELHA NYMPHA

Kung karamihan ay nagpanic-eating o stress eating noong lockdown, si Elha Nympha naman ay nag healthy eating. Marami ang bumilib sa transformation nito matapos nitong i-upload ang kanyang litrato na nagpapakita ng kanyang bagong body figure. Sinimulan umano ni Elha ang pagdidiyeta noong Marso 2020 at ayun nga, kitang-kita ang resulta ng pagsisikap nito.

May be an image of 2 people and people standing

LIE REPOSPOSA

PBB housemate at celebrity ‘Tawag ng Tanghalan’ contender na si Lie Reposposa ipinakita ang kanyang ‘glow-up’ transformation. Ayon rito ay pinanatili niya ang maayos na tulog, paginom ng maraming tubig at pageerhisyo na siyang naging sikreto sa kanyang napakagandang transformation.

Tunay na kahanga-hanga ang mga celebrities na ito pagdating sa pagpili nila na alagaan ang sarili at pagbutihin ang kanilang imahe. Nagiisa lamang ang katawan natin kaya naman at mas mabuting pangalagaan natin ito.

 

COMMENTS