Pinoy na bartender, naka-‘forever’ ang isang Finnish na dilag matapos niya ito hagisan ng ‘flying kiss’.


Pinoy na bartender, naka-‘forever’ ang isang Finnish na dilag matapos niya ito hagisan ng ‘flying kiss’. Iba-iba ang istorya ng pagibig ng bawa

Andi Eigenman ibinahagi sa social media ang masaya nilang Family Picture kasama si Baby koa.
Epic Fail ang sorpresa ng magjowang LDR sa isa’t isa, at nagviral dahil sa nakakatawang resulta nito.
Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano.
May be an image of 4 people, people standing and outdoors

📷image source: Bryan Calonia Facebook

Pinoy na bartender, naka-‘forever’ ang isang Finnish na dilag matapos niya ito hagisan ng ‘flying kiss’.

Iba-iba ang istorya ng pagibig ng bawat isa sa atin, at iba-iba rin ang pagsisimula ng mga ito. Ang iba ang nagsimula sa simple hello, samantala ang iba naman ay nagsimula sa ‘flying kiss’. Nakakatawa man isipin ngunit ito ang pagsisimula ng pagiibigan ng isang Pinoy bartender at isang Finnish national na nagkita sa isang cruise ship.

Si Bryan Calonia ay isang bartender sa isang cruise ship nang makilala niya si Jasmina. Hindi niya inakala na ang napaka gandang dalaga pala ay magiging nobya nya pagkadatin ng panahon. Kwento ni Bryan ay napansin niya ang dalaga nang dumaan ito sa bar. “Na-starstruck talaga ako. Sobrang ganda kasi niya.” Hindi raw nito umano maipahayag ang naramdaman nang una niya makita si Jasmina.

Pinoy Bartender, nakilala ang Finnish na misis dahil sa isang "flying kiss"

📷image source: Bryan Calonia Facebook

Kabilang sa trabaho niya bilang bar tender ang pagpe-perform ng tricks gamit ang mga kagamitan sa bar. Saad ni Bryan, “Sa routine ko, ‘may flying kiss’ towards the crowd. Pag haggis ko ng shaker, saktong dumaan siya at sa kanya ko pinoint ‘yong finger. Nagsigawan ang mga tao.”

Matapos ang hiyawan ng mga manonood at ng kanyang performance ay nagkita muli ng landas ang dalawa. Hindi na inaksaya ni Bryan ang pagkakataon at hiningi ang facebook ni Jasmina.

Matapos ang cruise ay nagkahiwalay ang dalawa, ngunit kahit malayo ang distansya ay nagiging malapit naman ang dalawa. Bumalik na ng Finland ang dalaga at si Bryan naman ay nasa Pilipinas. Madalas sila umano magusap sa facebook na siya namang naging daang upang mapunta sa pagmamahalan ang dalawa.

Hindi nagtagal ay nagpunta ng Pilipinas si Jasmina upang makapiling si Bryan. Ngayon ay nasa Cebu si Jasmina at Bryan at magkasamang nagpapatakbo ng kanilang negosyo na 2D Art Café.

Nafeature ang nakakakilig na kwento ni Jasmina at Bryan sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” na nakapagbigay inspirasyon sa marami.

COMMENTS