Batang nagtrabaho sa murang edad, nakapagtapos ng highschool with honors! Yan ang Pinoy!


Batang nagtrabaho sa murang edad, nakapagtapos ng highschool with honors! Yan ang Pinoy! Bagamat may batas na nagsasaad ng edad na dapat magtra

Binatilyo, gumagawa ng drawings at ibinebenta upang may pambayad sa hospital bills ng yumaong Ina.
Naninisid lang noon ng barya sa Pier, isa nang ganap na teacher ngayon!
Baby na pinanggigigilan ng netizens sa socmed dahil sa sobrang kakyutan, nilait ng kapitbahay noong bagong silang.
May be an image of child, standing and outdoors

📷image source: twitter @IWitnessGMA

Batang nagtrabaho sa murang edad, nakapagtapos ng highschool with honors! Yan ang Pinoy!

Bagamat may batas na nagsasaad ng edad na dapat magtrabaho ang isang tao, may mga pagkakataon na may mga batang nagsisikap sa murang edad na kumita ng pera. Walang duda na lalong tumitindi ang kahirapan lalo na ngayong may pandemya, subalit hindi ito dapat maging hadlang na matigil ang pagabot ng ating mga pangarap.

Isang bata mula sa Abra ang proud na nakapagtapos ng highschool, with honors. Siya si Edrian Bangngayen, isang iskolar mula sa Project Malasakit foundation ng journalist na si Kara David. Nakagraduate sa Jose Lopez Mansano Tuy National High School si Edrian at with honors pa! Ang foundation ang tumutulong sa mga gastusin sa eskwela ni Edrian upang hindi na ito kinakailangan pa magtrabaho.

Tumutulong ang foundation na makatulong sa mga Pilipinong mahirap na makapagaral.

Kaya naman ay proud na proud na ipinost ni Kara David sa kanyang social media ang tagumpay ni Edrian. Bata pa lamang ay nagsikap na si Edrian kumita ng pera. Nangongolekta ito ng honey at ginagamit pang tuition fee ang kinikita niya rito. Minsan naman ay umaakyat pa ito ng puno na sobrang taas upang lamang pumitas ng wild orchids. Ibinebenta niya ito sa halagang 10 pesos kada bag na siya namang side income nito maliban sa pangongolekta ng honey.

Delikado ang pangongolekta ng honey dahil maaring makamatay pagka natusok ka ng libo libong bubuyog. Bagamat alam ni Edrian ang panganib na ito ay pursigido pa rin ito na kumita. Na feature si Edrian sa I-witness documentary ng GMA noong 2014 at pinamagatang, “pulot-pukyutan”. Ikinuwento rito ang pagsisikap ni Edrian upang kumita. Napagalaman naman ni Kara David na ang pangarap pala ni Edrian ay ang maging isang ganap na seaman. Nang maging scholar sa Jose Lopez Mansano Tuy National Highschool si Edrian at dinala na rin nito ang kanyang kapatid.

Na feature rin sa i-witness documentary si Edrian para sa segment na “Sa Mata ng Bata.” Dito naman ay ikinuwento nito ang kanyang pangarap maging seaman. Mayroon na ring natulungan na Mangyan ang Project Malasakit Foundation na makapasa sa teachers board exams noong 2019.

COMMENTS