Google Doodle nitong March 4, ay para bigyang parangal ang isang Filipina.


Google Doodle nitong March 4, ay para bigyang parangal ang isang Filipina. Napansin ba ninyo ang Google Doodle na ito? Lumabas ito noong March

Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!
Isang Grade 12 student sa Isabela City, nakatanggap ng scholarship grant galing sa 7 iba’t ibang universities abroad at 5 naman Pilipinas!
Viral ngayon ang magkapatid na ito, na sabay nagbuntis at nanganak ng kambal nang iisa lamang ang ama! Alamin.
Google Doodle Rosa Sevilla de Alvero

image source: Google

Google Doodle nitong March 4, ay para bigyang parangal ang isang Filipina.

Napansin ba ninyo ang Google Doodle na ito? Lumabas ito noong March 4 at marahil marami sa inyo ang nagtataka kung bakit national costume natin ang suot ng babaeng nasa doodle. Sa katunayan, isang Filipina ang nasa Google doodle, at siya ang na-feature para sa buwan na ito.

Siya si Rosa Sevilla de Alvero, isang journalist, educator at activist. Marahil hindi siya pamilyar sa iba sa atin dahil hindi siya naipakilala sa history class noong kabataan, ngunit malaki ang naging tungkulin ni Rosa Sevilla noong 1935. Narito ang ilan sa mga nagawa niya para sa bayan.

  1. Pagboto ng mga kababaihan.

Mapapansin na sa Google Doodle ay nasa aktong bumoboto ang ginang. Ito ay dahil noong 1935, mga lalaki lamang ang may kapangyarihan bumoto. Ngunit nang dahil kay Rosa Sevilla de Alvero, ay nabigyan na ng pagkakataon ang mga kababaiha bumoto at naisabatas sa Commonwealth Act No. 34.

  1. Pagpapatayo niya ng Instituto de Mujeres of Manila

Sa edad na 21 ay nagawa ni Rosa magpatayo ng Katolikong paaralan na may layuning na ihanda ang mga kababaihan na pagsilbihan ang Diyos at ang kanilang bansa. Bagamat maraming naipatayo na paaralan ang mga Amerikano noong nandito sila sa bansa, ay wala umano itong mga itinuturo tungkol sa relihiyon at pinagbabawal ang paggamit ng ibang lenguahe katulad ng espanyol. Kakaunti lamang ang nakapagaaral rito dahil kaunti pa lamang ang nakakapagsalita ng Ingles noong mga panahong iyon. Kaya naman naging malaking tulong ang Instituto de Mujeres of Manila sa mga Pilipino.

  1. Isa siyang manunulat.

Naging manunulat si Rosa para sa newspaper ni General Antonio Luna na ‘La Independencia’ at isa lamang siya sa dalawang babae na parte ng pahayagan na ito. Isinulat din niya ang ‘La Mejor, Elsueno del Poeta’ at ang ‘Prisonera de Amor’ sa salitang espanyol.

  1. Isa siya sa mga nagimpluwensya na gawing Tagalog ang ating pambansang lenguahe.

Likas na maganda pakingan ang salitang Tagalog. Ngunit sa dami ng lenguahe sa iba’t ibang parte ng bansa, ay walang national language ang Pilipinas. Idagdag pa ang mga sumakop sa atin, na may dala ring sarili nilang lenguahe na mahigpit nilang pinapagamit sa mga Pilipino. Nang mga panahon na nauso ang ‘balagtasan’ ginamit ni Rosa Sevilla de Alvero ang Tagalog na naging daan upang gawin itong national language ng bansa.

Nitong March 4, 2021 lamang ay ang ika-142 na kaarawan nito. Tunay na kahanga-hanga si Gng. Rosa Sevilla de Alvero at marapat nating bigyan parangal ang mga naging contribusyon nito sa bansa.

COMMENTS