Isang Pinay nurse nanalo ng P167 Million sa isang raffle draw sa Abu Dhabi.


Isang Pinay nurse nanalo ng P167 Million sa isang raffle draw sa Abu Dhabi. Likas na sa ating mga Pilipino ang pagtaya o pagsugal sa mga lotto

Alden Richards’ charity works surprises the public after Lolit Solis reveals that he built a school for Mangyan children.
Doktor sa Pennsylvania, nagsusuot ng Superman costume tuwing nagtuturok ng COVID-19 vaccine.
Mga Pinoy Celebrities na may nakakabilib ang transformation noong 2020.

Isang Pinay nurse nanalo ng P167 Million sa isang raffle draw sa Abu Dhabi.

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagtaya o pagsugal sa mga lotto o raffle draw. Naniniwala kasi tayo na baka swertihin at manalo din isang araw. Umaasa tayong ito ang magiging sagot sa kahirapan ng bawat Pilipino. Nito lang Isa sa mga mapalad na kababayan natin ang nanalo sa isang raffle draw sa Abu Dhabi ito ay ang pilipina nurse na si Anabelle Manalastas.

Inaanunsyo ng Abu Dhabi sa lahat ng OFW at naninirahan sa kanilang lugar na sa paparating na jan.03 ay mayroong isang malaking raffle draw na pwede silang manalo ng Dh20million. Isa sa pinakamalaking ibibigay nilang papremyo. Ang kanilang mga ticket ay puwedeng mabili online o pwede din sa Abu Dhabi International airport, Al ain Duty free at City Terminal ng Abu Dhabi.

Makikita rin daw ang live draw nito sa entrance ng airport. Ang isang ticket daw ay nagkakahalaga ng Dh500. Meron din silang promo na kapag bumili ka nang dalawang ticket ay magbibigay sila ng isang ticket na libre lamang. Hinihikayat nga nila ang madaming OFW na tumaya na at baka sila na ang susunod na magwawagi.

At dahil nga doon isa si Anabelle Manalastas sa nakipagsapalaran na tumaya at bumili ng ticket na ito. Si Anabelle ay walong taon ng nagtatrabaho sa Abu Dhabi bilang isang Nurse. Nakipagsapalaran siyang tumaya sa raffle draw kasama ang kaniyang mga kaibigan. Ayon pa kay anabelle nung tinawagan daw siya ng Big ticket team para ipaalam sakanya na siya ay nanalo ay nagkakasiyahan na daw sila ng kanyang mga kaibigan nun. Labis ang saya ni Anabelle nang malaman niyang siya ay nanalo. Binigyan nya ang kanyang mga kaibigan at pamilya sakanyang napanalunan na pera.

Marami satin ang nais ding maranasan ang swerteng natamo ni anabelle pero mas maigi padin ang magtyaga at maging masipag sa buhay upang magpunyagi balang araw.

 

COMMENTS