Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakita na sa publiko bilang magkasintahan at humanitarian.


Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakita na sa publiko bilang magkasintahan at humanitarian. Ang matagal nang haka-haka at showbiz controve

Gerald Anderson, ipinasilip sa kanyang mga fans ang kanyang napakagandang beach resort, na isa sa kanyang mga investment.
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!
Ivana Alawi at Gerald Anderson, spotted na magkasama sa Masbate! Mga netizens ngayon ay nagtataka.
Julia Barretto, Gerald Anderson

📷image source: facebook @coastguardph

Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakita na sa publiko bilang magkasintahan at humanitarian.

Ang matagal nang haka-haka at showbiz controversy, tungkol sa pagiibigan ni Gerald Anderson at ni Julia Barretto ay mabibigyang linaw na rin. Simula 2019 ay usap-usapan na may relasyon si Geral Anderson at si Julia Barretto. Bagamat, nanatili ang dalawa na pribado at masikreto sa kanilang relasyon, maraming fans at netizens ang nakapag-ipon ng mga clues o bakas na nagpapatunay na may relasyon ang dalawa.

Samantala, nitong 32nd na kaarawan ni Gerald ay namataan ang dalawa sa Zambales na namamahagi ng ayuda sa mga Aeta na naninirahan sa Lupang Pangako Resettlement sa Barangay San Agustin, Iba, Zambales. Hinihinalang ito ang kanilang kauna-unahang public appearance sa publiko bilang magkasintahan. Maaaring nagsapubliko na ang dalawa sa kanilang relasyon para sa pagdiwang ng ika-32 na kaarawan ng aktor.

Si Gerald Anderson ay isang Auxillary Officer ng Philippine Coast Guard (PCG) kay naman ay napagbigyan ito sa planong mamigay ng ayuda. Mayroon din siyang ranggo na Lieutenant Commander kaya naman ay konektado ito sa organisasyon. Pinag-igi ang mga safety protocols at makikitang naka-mask ang dalwang artista habang namamahagi ng ayuda. Mga noodles, biscuit, kape, de-lata at hygine products ang iilan lamang sa nilalaman ng ayuda ng mga ito para sa mga kababayan nating Aeta.

Nagbigay pahayag naman ang aktor sa mismong event. Masayang masaya umano ito na nakasama ang mga kababayan nating Aeta sa araw ng kanyang kaarawan. Umaasa ito na kahit papano ay nakapagbigay saya umano ang kanilang ayuda. Sa pahayag ni Gerald ay hiniling nitong maging parte ang komunidad ng mga Aeta sa iba pang mga plano nito sa hinaharap.

Mas matanda ang aktor ng 9 years kaysa kay Julia Barretto ngunit hindi ito mahuhulaan sa kanilang appearance. Tila mas pinili ng aktor na tumulong sa kapwa Pilipino sa kaarawan nito kaysa sa magtayo ng bonggang handaan. Ikinabilib naman ito ng mga tagahanga at netizens kabilang na rin ang pagsasapubliko ng mga ito sa kanilang relasyon.

 

COMMENTS