Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.


Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool. Masakit mabasted lalong lalo na kung mat

Comedian na si Jose Manalo, may anak palang ubod ng ganda at lisensyadong doktor! Beauty and brains!
Andi Eigenman ibinahagi sa social media ang masaya nilang Family Picture kasama si Baby koa.
“Wag ma-pride, mag-sorry.” Doug Kramer gives tips to husbands for a long-lasting, happy relationship with their wives.

May be an image of 2 people, people standing, flower and outdoors

Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.

Masakit mabasted lalong lalo na kung matagal-tagal mo rin pinangarap na mapaibig ang mahal mo. Ganyang-ganyan rin ang naramdaman ni JC Santos noong highschool pa lamang siya. Hindi niya makalimutan ang babaeng binasted siya noong highschool pa lamang sila.

Sa Pampanga naghighschool si JC Santos at doon rin niya nakilala ang babaeng mamahalin pala niya ng pang habang buhay. Sa mga panahong iyon, namumuo pa lamang ang crush niya sa babaeng nag ngangalang, Shyleen Herrera o ‘Shy’. Ayon sa panayam ng Pep kay JC, ay inamin ng aktor na gusto na niya ito at maganda na talaga umano si Shy 15 years ago. Sobrang bait daw ng dalaga at dagdag pa nito, “Siya ‘yung girlfriend material.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Inamin rin nito na nagtangka itong ligawan si Shy ngunit binasted ito ng dalaga. Dumating ang panahon na pumasok na ng kolehiyo si JC Santos sa University of the Philippines sa Diliman. Pansamantalang nagkalayo ang dalawa at nagpokus sa pagaaral si JC. Mula pa noon ay hilig na nito ang pag-arte at pag-ganap sa mga plays sa kanilang paaralan kaya naman di nag tagal ay nakilala niya si Tony Mabesa. Ito ang founding Director ng Dulaang U.P. at naging daan upang mahasa ni JC Santos ang kanyang talento sa pag-arte at tuluyan ngang pumasok sa showbiz.

Dumating nag panahon na nagpasya si JC na magpatayo ng bahay sa Pampanga kung saan siya lumaki. Dahil rito ay nabuhos ang oras niya sa Pampanga at naghahanap siya ng mga lugar na pwedeng tambayan. Sakto ay itinag sa kanya ang isang restaurant na pagmamay-ari ni Shy. Agad umanong pinuntahan ito ni JC at inamin sa interview, “Kinilig ako nang severe!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Kwento pa nito, “Yung crush mo tapos may crush na rin sa ‘yo – may gusto na sa ‘yo.” Masayang idinescribe ni JC ang pakiramdam, “Iba yun eh, ang sarap!” Mula noon at nagkaigihan ang dalawa at nagdate. Sabi pa ng aktor, “Ayun, ‘di ko na pinakawalan.”

Ikinasal ang dalawa noong September 2019 at mayroon nang isang anak na si River na pinanganak noong February 2020.

COMMENTS