KZ Tandingan, proud na kantahin ang “Gabay”, na kauna-unahang Tagalog OST mula sa Disney.


KZ Tandingan, proud na kantahin ang “Gabay”, na kauna-unahang Tagalog OST mula sa Disney. Hindi maitatanggi na marasap pakinggang ang wikang ta

Coleen Garcia, Hot Momma pa rin sa kabila ng pagiging Breastfeeding Mom!
Xia Vigor, child actress na tagapagmana ng 14 na magagandang bahay ng kanyang ama sa England!
Kilalanin si Deanna Wong ang star player ng Women’s Volleyball, ang bagong kinakikiligan ng mga kababaihan ngayon!

May be a closeup of 2 people and text

KZ Tandingan, proud na kantahin ang “Gabay”, na kauna-unahang Tagalog OST mula sa Disney.

Hindi maitatanggi na marasap pakinggang ang wikang tagalog, marahil na rin sa maraming vowels ang ginagamit sa tagalog.

Sikat na sikat ang mga pelikulang mula sa Disney katulad na lamang ng mga Disney princesses na naghahatid ng kwentong may aral. Sa wakas ay magkakaroon na ng kantang Tagalog na gagamitin sa bagong pelikula ng Disney na, “Raya and the Last Dragon.”

Inanunsyo ito noong March 2, 2021 kasama na rin ang pagpapakilala nila sa napili nilang singer na kakanta ng OST. Walang iba kundi ang Davao del Sur singer na si KZ Tandingan. Tinawag si KZ ng Disney bilang “one of the Philippines’ most powerful voices” sa kanilang pag anunsyo ng upcoming Tagalog OST.

“Gabay” ang pamagat ng bagong awitin para sa OST ng ‘Raya’. Ang kanta ay tungkol umano sa pagtitiwala, lakas at pagkakaisa. Labis labis naman ang pagpapasalamat ni KZ para sa opotunidad nito na kumanta sa kauna-unahang tagalaog OST ng Disney.

Ayon kay KZ ay nagustuhan niya ang kanta, “the song reminds us that sometimes we feel we are weak.” Pagk-kwento ni KZ, “… but if we just learn to trust each other, to come together, and to unite, only then we are able to change the world.

Inamin naman ni KZ na mahilig siya manoong ng Disney movies, at para sa pelikulang, “Raya and the last Dragon” ay pakiramdam umano nito na mayroon siyang koneksyon sa istorya. Ito umano ang pelikula ng Disney na hango sa kultura ng Southeast Asia.

Maraming netizens at fans ni KZ ang proud na proud sa singer lalo na’t makapagbibigay ito ng honor sa bansa. Kung pagbabasehan sa achievements ni KZ sa industriya, ay tunay na mabibigyang buhay nito ang kanta para sa pelikula. Umani din naman ng maraming komento ang ‘Raya’ dahil sa mga Filipino at Southeast Asian culture na makikita sa pelikula. Walang duda na maraming fans mula sa Asya ang tiyak na aabangan ang pelikulang ito.

COMMENTS