Mala-Paraisong tanawin sa Antique, nagpamangha sa mga netizens at dayuhan.


Mala-Paraisong tanawin sa Antique, nagpamangha sa mga netizens at dayuhan. Marami sa mga adventurers ang hindi pa rin makapasyal nang dahil sa

10 Funny Barangay Names in the Philippines that you didn’t know.
Pakulo ng balot vendor sa Cebu, nakaka-goodbye Philippines nga ba?
Mayayaman at kilalang personalidad na nakatira sa Forbes Park, na noon ay mahirap lamang.

📷image source: twitter @dailyguardianph

Mala-Paraisong tanawin sa Antique, nagpamangha sa mga netizens at dayuhan.

Marami sa mga adventurers ang hindi pa rin makapasyal nang dahil sa pandemya na dumating. Kaya naman ay tiis-tiis muna at gumawa na lamang muna ng listahan ng mga destinasyon na nais ninyong puntahan matapos ang paghihigpit sa mga pantalan at transportasyon. Isama na sa inyong listahan ang isang napakagandang lugar sa Antique, ang bundok Madjaas na tiyak dadalhin kayo sa isang pala-paraisong tanawin.

Parang malalaking bonsai trees ang pumalibot sa lugar, kasama na rin ang nostalgic feeling na dala nito. Preskong hangin, at maaliwalas na lugar, tiyak magugustuhan ninyo ang bundok Madjaas.

Image

📷image source: twitter @dailyguardianph

Umiikot sa social media ang mga litrato ng lugar mula sa isang mountaineer na si Ompz Feliciano. Kuha nito ang ganda ng lugar kasama ang mga magagandang puno na nakapalibot rito. Matatagpuan umano sa Brgy. Flores, Culasi, Antique ang lugar na ito. Nakaugalian na rin ni Feliciano na maligo sa ika-apat ng umaga bago umakyat ng bundok upang hindi umano umulan sa tuktok ng bundok pagka-akyat nito.

Image

📷image source: twitter @dailyguardianph

Matarik umano ang daan papaakyat sa bundok ngunit hindi ito alintana ng mga mountaineer dahil sanay at may experience na ang mga ito sa pagakyat ng bundok. Kumukuha umano sila ng tubig na maiinom sa “Libog Falls” na siya namang napakalinaw at walang dudang malinis na daluyan ng tubig.

Ipinakita rin nila ang tinaguriang “bonsai forest” kung saan ang mga sanga ng puno ay parang bonsai. Mayroon umanong “crown shyness” na siyang tawag nila sa hitsura ng mga sanga ng puno rito dahil bagamat bali-baliko ang sanga ay hindi ito nagtatama o nagkakabangga. Para pang nagbibigayan pa umano ang mga ito sa isa’t isa na tumubo.

Image

📷image source: twitter @dailyguardianph

Tatlong araw sila nagkampo sa lugar at sa paglipas ng mga araw ay tila lalong gumaganda ang tanawin sa lugar na ito. Marami namang netizens ang namangha pati na rin ang mga dayuhan sa ganda ng lugar na ito. Parang sa mga animated na pelikula lamang nakikita ang ganitong lugar. Nawa ay mapreserve ang ganda ng lugar na ito.

 

COMMENTS