Ryzza Mae Dizon, mayroon nang napakagandang bahay sa Quezon City


Ryzza Mae Dizon, mayroon nang napakagandang bahay sa Quezon City. Halos lahat naman ata naghahangad ng maayos na buhay. At mangyayari ito kung

Inspiring na mga artista na hindi lumaki sa kanilang biological family at mapalad na magkaroon ng mapagmahal na pamilya.
Coco Martin, pinasilip ang kanyang napakayabong na vegetable garden na kanyang kinahiligang gawin sa tuwing wala siyang taping.
Olivia Rodrigo, biggest fan umano ni Catriona Gray at flattered tuwing sinasabing magka-mukha sila.

No photo description available.

Ryzza Mae Dizon, mayroon nang napakagandang bahay sa Quezon City.

Halos lahat naman ata naghahangad ng maayos na buhay. At mangyayari ito kung ikaw ay isang taong masipag at matiyaga katulad na lamang ng batang si Ryzza mae Dizon. Mula sa dating upahang bahay hanggang sa magarang bahay na pag mamay-ari na nila ngayon.

Si Ryzza mae Dizon ay nakilala sa Eat bulaga Contest na little Miss Philippines. Tinanghal siyang Little Miss Philippines noong siya ay sampung taong gulang pa lamang. Pagkatapos nga ng pagkapanalo nya sa contest na iyon ay sunod sunod na ang opurtunidad na pumasok sa kanya. Naging maganda ang karera nya sa buhay ng showbiz.

Ngayon nga ay kabilang na si Ryzza bilang isang host sa Eat bulaga at mayroon nadin siyang sarili niyang show na tinawag na “ The Ryzza Mae Show”. Isa si Ryzza Mae sa sikat na batang artista ngayon.

At dahil nga sa pagpupursigi ng batang aktres ay nakapag pundar na siya ng dalawang sasakyan at ang pangarap nyang tatlong palapag na bahay na kanila nang tinitirhan ngayon kasama ang kaniyang pamilya.

Masaya ding ibinahagi ni Ryzza Mae na dati daw ay nangungupahan lang sila sa isang apartment sa Caloocan City ng kanyang pamilya ngunit ngayon ay may sarili na silang tatlong palapag na bahay. Ang kanyang ina rin daw ang naghanap at nag-ayos ng kanilang bahay na iyon.

Masasabi ngang malayong malayo ito sa buhay na kinagisnan nilang buong pamilya noon. Sapagkat ang kanilang bahay ngayon ay mas maganda at mas malaki kaysa noon. Tunay ngang mabibighani ang sino mang bumisita sa bahay nila dahil sa mala elegante nitong ayos.

Pagpasok pa lang ay kapansin pansin na ang kanilang kulay gray na sofa na nakaharap sa kanilang Flat screen Tv. Kulay gray daw ang napili ng kaniyang ina upang hindi agad halatang madumi. Sa dining area at kusina naman nila ay mamamangha ka dahil sa mga nakadisplay doon na magagarang mga kagamitan. Meron silang isang round table na may anim na upuan pinili daw talaga nila ang ganung disenyo sapagkat masyado nang common ang rectangular table.

Makikita rin sa dining ang mga larawan ng pamilya ni Ryzza pati narin ang may Little Bossing promo picture nila kasama si Vic Sotto at Bimby Yap.

Sa ikatlong palapag din ng bahay makikita ang kanilang silid tulugan. Magkasama sa iisang kwarto ang kaniyang dalawang kapatid na sina Nicole at Nathan na mayroong magkahiwalay na higaan. Nadidesenyohan ng tweety bird ang kobre kama ni Nicole at spiderman naman ang desenyo ng kay Nathan.

Malawak naman ang silid ni Ryzza ito ay napipinturahan ng kulay pink na pintura. Isang built in Bed na may pull out para sa kanyang kapatid ang kaniyang higaan. Mayroon din siyang isang malawak na Cabinet na nakukulayan ng kulay dilaw. Dito makikita ang napakadaming magagandang damit ni Ryzza. Sa taas ng Cabinet nya ay nakalagay ang madaming signature bag nya na karamihan daw doon ay bigay lang.

Makikita rin sa kanyang sahig ang kulay green na mabalahibong carpet. Mayroon din silang pangalawang living room sa pangatlong palapag ng kanilang bahay kung saan doon sila nagba bonding ng kaniyang pamilya dito din nila minsan pinapatuloy ang kanilang bisita.

Isang malaking pagbabago nga ang nangyari sa buhay na ito ni Ryzza Mae Dizon ngunit nanatiling nakaapak sa lupa ang batang aktres na siyang dahilan kung bakit madaming umiidolo sakanya.

 

COMMENTS